Daniel Padilla nagsalita na rin sa ‘breakup’ nila ni Kathryn

Daniel sa ‘breakup’ nila ni Kathryn: Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang, walang katapusan

Pauline del Rosario |November 30,2023
facebook
share this

Daniel sa ‘breakup’ nila ni Kathryn: Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang, walang katapusan

Pauline del Rosario - November 30, 2023 - 07:09 PM

Daniel sa ‘breakup’ nila ni Kathryn: Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang, walang katapusan

PHOTO: Instagram/@supremo_dp

ILANG minuto matapos kumpirmahin ni Kathryn Bernardo ang paghihiwalay nila ni Daniel Padilla ay nagsalita na rin mismo ang aktor.

Sa Instagram, ibinandera ni Daniel ang thorwback sweet picture nila ni Kathryn kalakip ang caption na “Ikaw at ako.”

Makikita rin sa post ang mahabang mensahe niya na kung saan ay tila nagpaabot siya ng mensahe para sa dating girlfriend.

Sey niya, “Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At Mahalin mo.”

“Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw,” lahad niya.

Lubos din niyang pinasasalamatan si Kathryn dahil hindi siya iniwan nito kahit ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.

Baka Bet Mo: Andrea kontrabida sa relasyon nina Kathryn at Daniel, pinagkaisahan ng KathNiel fans

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows,” sambit ni Daniel.

Ani pa niya, “Our lives may drift aways, but our love will still ride that tide.”

Siyempre, hindi rin niya pinalampas na magbigay ng mensahe sa fans ng kanilang loveteam, ang “KathNiels.”

Sambit ng aktor, “Maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit ano pang gawin nila.”

“Hinding hindi nila pwedeng sirain ‘yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan,” mensahe pa niya.

Dagdag niya, “I pray for us to grow, and heal.”

“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang at walang katapusan,” wika niya sa dulo ng kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Kamakaila lang ay naging usap-usapan sa social media ang dating mag-dyowa, pati na rin ang young actress na si Andrea Brillantes.

Ito ay matapos ibunyag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na patagong nagkikita sina Daniel at si Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending