Andrea kontrabida sa relasyon nina Kathryn at Daniel, pinagkaisahan ng KathNiel fans | Bandera

Andrea kontrabida sa relasyon nina Kathryn at Daniel, pinagkaisahan ng KathNiel fans

Reggee Bonoan |November 22,2023
facebook
share this

Andrea kontrabida sa relasyon nina Kathryn at Daniel, pinagkaisahan ng KathNiel fans

Reggee Bonoan - November 22, 2023 - 09:27 AM

Andrea kontrabida sa relasyon nina Kathryn at Daniel, pinagkaisahan ng KathNiel fans

Andrea Brillantes, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

DAHIL lang sa pag-unfollow sa isa’t isa nina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes sa Instagram ay hindi na natigil ang balitang kaya may problema ngayon ang KathNiel ay dahil kay Blythe.

Ang daming mga larawang naka-post ngayon sa social media na magkasama noong bata pa si Andrea ay kasa-kasama na siya nina Kathryn at Daniel Padilla. May kuha ring nakayakap si DJ kay Blythe.

Kapatid ang turing ng KathNiel noon kay Andrea bilang bata pa kaya “kuya” at “ate” ang tawag ng huli sa dalawa.

At dahil kontrabida ngayon ang tingin ng supporters ng KathNiel kay Andrea kaya in-unfollow na rin nila ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito rin ang tsika ni Ogie Diaz na napansin niyang hindi na pina-follow si Blythe ng kaibigan at supporters ni Kathryn.

Post ni Ogie sa kanyang FB kaninang alas-dos ng madaling araw, “Grabe na ‘yung isyu ng follow-unfollow. Dahil maraming nagmamahal kay Kathryn Bernardo, bilang pakikisama, ayun, pinag-a-unfollow nila si Andrea Brillantes.

Baka Bet Mo: Kathryn super proud sa KathNiel fans: ‘They allow us to grow…hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya’

“Anyway, ‘wag kayong mag-alala, Kathryn, DJ at Blythe. Kahit di n’yo ako pina-follow sa instagram ko (@ogie_diaz), hindi ko kayo ia-unfollow.

“Nakaka-tense na sa mga panahon ngayon na mababalita kung ina-unfollow mo ang isang tao. Eh, paano nga kung i-unfollow ko yang tatlong bagets na ‘yan tapos hindi naman maibalita o ma-viral na, ‘Ogie Diaz, in-unfollow na sina KathNiel at Andrea!’

“Ako pa napahiya, di ba? Kaya ayoko nang mag-dare mag-unfollow. Baka sabihin, isa’t kalahating inggitera lang ako.

“Pero ano nga kaya kung i-deactivate ko yung IG ko? Ma-viral na kaya? (Laughing face emojis).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahigit sa 1,000 na ang likes at laughing face emojis ang nakita namin sa post ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending