Kathryn Bernardo inunfollow si Andrea Brillantes sa Instagram, anyare?

Kathryn Bernardo inunfollow si Andrea Brillantes sa Instagram, anyare?

Therese Arceo |November 17,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo inunfollow si Andrea Brillantes sa Instagram, anyare?

Therese Arceo - November 17, 2023 - 09:58 AM

Kathryn Bernardo inunfollow si Andrea Brillantes sa Instagram, anyare?

Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang biglang pag-unfollow ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernado sa kapwa aktres na si Andrea Brillantes.

Ilang screenshots ang kumalat ngayon sa iba’t ibang social media platforms kung saan makikitang hindi na naka-follow ang “A Very Good Girl” lead star kay Andrea habang naka-follow pa rin ang huli sa kanya.

Kaya naman agad kaming nagpunta sa Instagram account ni Kathryn upang kumpirmahin kung totoo nga ang kumakalat na screenshot at confirmed na in-unfollow niya ang young star.

Nang i-type namin ang “Blythe” sa following list ni Kath ay hindi makikita ang account ni Andrea.

Hindi sigurado kung matagal nang naka-unfollow si Kathryn kay Andrea o kung talagang hindi ito naka-follow eversince ngunit base sa mga screenshot noon ng mga fans ng KathNiel at ni Andrea, naka-follow sila noon sa isa’t isa.

Matatandaang marami sa mga supporters ng KathNiel at ni Andrea ang pumalag sa ibinalita ng talent manager na si Ogie Diaz hinggil sa diumano’y hiwalayan ng isa sa mga hinahangaang love team sa Philippine showbiz at ang diumano’y dahilan ay ang aktres na si Andrea.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad na ipinagtanggol ng mga fans ang kanilang iniidolo at naglabas ng mga resibo na “maayos” ang relasyon ng tatlo at ilan sa mga ito ay ang screenshot na naka-follow sina Kathryn at Andrea sa isa’t isa.

Tinawag pa nga ng mga ito na “fake news peddler” ang talent manager at pinag-aaway raw ang dalawang babaeng ok naman ang samahan.

Kaya naman agad na pinalagan ni Ogie ang mga ito at sinabing wala naman siyang sinabing kumpirmado na ang bakita at hiling niyang magsalita sina Kayhryn, Daniel, at Andrea upang maliwanagan ang madla.

“May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?” alma ni Ogie.

At dahil nga sa naganap na pag-unfollow ni Kathryn kay Andrea ay mas nayanig anh mga Marites at tila unti-unting naniniwalang may something na nagaganap sa kanilang tatlo.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring tahimik ang mga involved parties hinggil sa isyu.

Nananatili namang bukas ang Bandera para sa pahayag nina Kathryn, Daniel, at Andrea hinggil sa isyung ito.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

Daniel Padilla binasag ang chikang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo, full support sa girlfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending