Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila? | Bandera

Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

Ervin Santiago |November 14,2023
facebook
share this

Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

Ervin Santiago - November 14, 2023 - 09:32 PM

Kathryn, Daniel spotted na magkasama sa isang event, pambabasag nga ba sa mga nagpapakalat ng chikang hiwalay na sila?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama sina Rambo Nunez, Maja Salvador at iba pang kaibigan

SPOTTED na magkasama ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang event sa gitna ng chika na hiwalay na umano ang mga ito.

Dahil dito, tila nababasag ang mga espekulasyon ng ilang netizens na nagkakalabuan o break na raw ang magdyowa.

Mismong si Kathryn ang nag-repost sa kanyang Instagram account ng ilang litrato kung saan kasama niya si Daniel at ilan nilang mga kaibigan.

Ang naturang group photo ay kuha sa isang golf tournament event ng Omega na ginanap sa Sta. Elena Golf & Country Club.

Makikita rin sa mga pictures ang mag-asawang Rambo Nuñez at Maja Salvador na una ngang na-post sa Instagram page ng kanilang mga kaibigan na sina Pam Quinones at Danyl Geneciran.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero, Leren Bautista spotted na magkasamang namimili sa mall, may ‘something’ nga ba?

Nauna rito, naging hot topic din ng mga fans at netizens ang ni-repost ni Daniel na daring photoshoot at cover photo ni Kathryn para sa isang magazine na pinaniniwalaang sagot ng aktor sa mga haka-hakang hiwalay na sila ni Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kamakailan naman ay nag-trending ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz matapos niyang ibalita sa kanyang “Showbiz Update” vlog ang diumano’y hiwalayan ng KathNiel.

Baka Bet Mo: KathNiel gustong kunin para gumanap na Elias at Salome sa Noli Me Tangere; Sisa iaalok kay Liza

Ayon daw sa source ni Papa O, may kaugnayan umano ang breakup ng KathNiel ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes.

Ipinagdiinan naman ni Ogie na wala pang kumpirmasyon ang nasabing chika at sinasabi nga niya na sana’y hindi ito totoo at fake news lamang.

Ngunit sa kabila nito, tinawag pa rin siyang “fake news peddler” ng mga KathNiel fans.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement sina Kath at DJ maging si Andrea na nadadamay sa isyu. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng mga taong sangkot sa kontrobersyang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, ano sa tingin n’yo ang tunay na estado ng relasyon nina Kathryn at Daniel?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending