Kim super laugh sa chikang hiwalay na sila ni Xian; enjoy na enjoy sa pamba-bash sa kanya ng netizens sa 'Linlang' | Bandera

Kim super laugh sa chikang hiwalay na sila ni Xian; enjoy na enjoy sa pamba-bash sa kanya ng netizens sa ‘Linlang’

Ervin Santiago |November 01,2023
facebook
share this

Kim super laugh sa chikang hiwalay na sila ni Xian; enjoy na enjoy sa pamba-bash sa kanya ng netizens sa ‘Linlang’

Ervin Santiago - November 01, 2023 - 03:26 PM

Kim super laugh sa chikang hiwalay na sila ni Xian; enjoy na enjoy sa pamba-bash sa kanya ng netizens sa 'Linlang'

Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman

MARIING pinabulaanan ni Kim Chiu ang kumakalat na chika sa social media na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Maliwanag na isang malaking fake news ang naglalabasang intriga na siguradong pakana na naman ng mga Marites na walang magawa sa kanilang buhay kundi ang magpakalat ng pekeng balita.

Ang isyu, hindi na raw kasi nakikitang magkasama together sina Kim at Xian kaya naman agad na nag-one-plus-one ang ilang netizens at nagsabing baka break na ang magdyowa.

“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo,” ang natatawa lamang na sagot ni Kim nang makatsikahan ng ilang members ng entertainment media sa thanksgiving presscon ng super hit series niyang “Linlang.”

Paglilinaw pa ng dalaga, “Okay na okay naman kami ni Xi, opo.

Baka Bet Mo: Paulo nagpataba para sa ‘Linlang’ kaya nabawasan ang projects: ‘Tapos kailangan uli akong magpapayat para sa second part ng series’

“Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya,” dagdag pang chika ng leading lady nina Paulo Avelino at JM de Guzman sa seryeng “Linlang” na napapanood sa Prime Video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kinumusta rin si Kim tungkol sa ginawa niyang pagbisita kamakailan sa Queen Of All Media na si Kris Aquino sa Amerika na talaga namang ikinasaya ng puso ng kanyang “ate” sa showbiz.

“Sobra po talaga akong nasiyanan. Una, nahiya talaga akong puntahan siya kasi baka nagki-chemo siya and then, kailangan ng test, bawal puntahan.

“Ayokong kulitin siya kasi ‘pag tinext ko talaga siya na pupunta ako, gagawa siya ng paraan,” sabi ni Kim.

“Kaya kinumusta ko muna kay sir Mark (Leviste) and then si Sir Mark na ‘yung gumawa ng paraan na, ‘pumunta ka, okay siya, ang checkup namin sa hapon na.’

Baka Bet Mo: Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’

“So, naging smooth ‘yung pagkikita namin and then, may kwarto na ‘ko do’n sa bahay nila,” masayang pagbabahagi ng TV host-actress.

Inamin ng dalaga na totoong naiyak siya nang makita uli si Kris makalipas ang ilang taon. Talaga raw na-miss niya nang bonggang-bongga ang kanyang ate at sana raw ay makabalik uli siya sa US next year.

Ibinalita rin nk Kimmy na mas okay na ngayon ang TV host kumpara noon at patuloy daw niyang ipagdarasal na sana’y magtuluy-tuloy na ang paggaling at pagbuti ng kalagayan nito.

Samantala, abot-langit ang pasasalamat ni Kim sa bonggang-bongga success ng “Linlang” sa Prime streaming application. Patunay sa huge success nito ay ang pagtawag sa kanya ng Juliana (character niya sa serye) kahit saan siya magpunta.

Tanggap din niya na maraming bashers at haters si Juliana pero ito raw ang klase ng pangnenega na ine-embrace niya dahil patunay lang ito na epektib ang akting niya bilang manlolokong asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is the kind of bashing that I love, keep it coming!” ang natatawang dialogue pa ni Kim Chiu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending