Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, 'hindi po, pangarap ko po 'to bilang artista' | Bandera

Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’

Ervin Santiago |October 01,2023
facebook
share this

Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 07:27 AM

Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, 'hindi po, pangarap ko po 'to bilang artista'

Kim Chiu, Paulo Avelino at Maricel Soriano

NAG-SORRY ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano kay Kim Chiu matapos ang matinding sampalan scene nila sa teleseryeng “Linlang.”

Siguradong kaabang-abang ang eksenang ito para sa mga fans nina Kim at Maricel na ngayon pa lang ay atat na atat nang mapanood ang “Linlang.”

Kuwento ni Kim sa isang panayam, dream come true para sa kanya ang masampal ng award-winning veteran actress, tulad din ng pangarap ng maraming artistang kasabayan niya.

“Masasabi ko sa acting career ko, nasampal na ako ng isang Maricel Soriano, so bucket list check.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Nagso-sorry nga siya sa akin, (pagkatapos ng kanilang sampalan scene), pero sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista,'” ang pagbabahagi ng TV host-actress.

Marami rin daw siyang nadiskubre sa ugali at personalidad ng Diamond Star at feeling thankful siya sa lahat ng natutunan at matututunan pa mula kay Marya.

“Sobra siyang nice and very down to earth,” ang papuri pa ni Kim kay Maricel.

Nagpasalamat din siya sa mga netizens na nag-post ng kanilang mga positibong reaksyon sa inilabas na trailer ng “Linlang” kamakailan.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Nanawagan din siya sa madlang pipol na suportahan ang bago nilang teleserye kapag umere na ito sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

“I’m very excited na mapanood siya ng mga tao and sobra akong natuwa nung nakita ko ‘yung mga comments nu’ng lumabas ‘yung trailer namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kinabahan ako, nagdasal talaga ako bago mag-alas-10 ng umaga ng Sunday dahil hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ng mga tao,” sabi pa ni Kim.

“Nagulat din ako na naging positive ‘yung response and my growth as an actor kaya kinilig talaga ako.

“Hindi talaga ako nakatulog nun, ang tagal kong natulog, nagbabasa lang ako ng comments. Parang nasa cloud nine ako.

“Nagpapasalamat talaga ako and praying na suportahan talaga nila kasi exclusive lang ‘to sa Prime Video,” aniya pa.

Bukod kina Kim at Maricel, kasama rin sa “Linlang” sina Soriano at Chiu sina Paolo Avelino, Ruby Ruiz, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Anji Salvacion at Kice.

Anji Salvacion sinigurong maraming malilinlang sa seryeng ‘Linlang’; Gillian Vicencio bumalik sa pag-aaral sa tulong ng Star Magic

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina Villaroel naiyak sa takot, nakatikim ng matinding sampal mula kay Maricel Soriano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending