Anji Salvacion sinigurong maraming malilinlang sa seryeng ‘Linlang’; Gillian Vicencio bumalik sa pag-aaral sa tulong ng Star Magic
SIGURADONG ikagugulantang ng madlang pipol, lalo na ng kanyang mga fans ang mga pasabog na gagawin ni Anji Salvacion sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN.
Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ngayon ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Edition Season 10″ sa nalalapit na pagpapalabas ng upcoming Kapamilya series na “Linlang” mula sa Dreamscape Entertainment.
Matinding challenge ang hinarap ng singer-actress para sa ginagampanan niyang role sa naturang drama series at hindi na raw siya makapaghintay na mapanood ito ng sambayanang Filipino.
View this post on Instagram
“I can’t wait to share this to everyone, ‘yung development din ng character ko is really, really nice, ‘yung pagka-transition niya.
“I am excited din kasi maraming pagsabog ang magaganap sa ‘Linlang,’ ang daming malilinlang,” ang pahayag ni Anji sa panayam ng “Magandang Buhay” last Wednesday.
Feeling blessed and lucky din ang dalaga dahil mga bigating Kapamilya stars ang makakasama niya sa “Linlang” tulad nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman, at Diamond Star Maricel Soriano.
Ka-join din dito sina Ruby Ruiz, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, at Race Matias.
* * *
Balik-eskwela naman ang Kapamilya young actress na si Gillian Vicencio sa tulong na rin ng kanyang talent management na Star Magic.
Kuwento ng dalaga, kinakarir niya ngayon ang pag-aaral at ang pag-aartista para hindi masayang ang mga panahon kapag wala siyang ginagawang projects sa ABS-CBN.
Baka Bet Mo: JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time
“Bumalik po ako sa school through Star Magic. Maraming, maraming salamat po sa Star Magic kasi sila po ang naging way para makapag-aral po ulit ako,” pagbabahagi ni Gillian sa madlang pipol nang mag-guest siya sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.
View this post on Instagram
Inamin ng aktres na hindi madali ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho pero kinakaya niya para sa inaasam na college diploma.
“Medyo mahirap din po ‘yung sched talaga. Time management talaga at kung ano ang priority mo sa buhay,” pahayag ni Gillian na kumukuha ng kursong Multimedia Arts major in Animation.
“Actually noong bata po ako mahilig ako mag-drawing. Sa tingin ko po kasi ay ‘yun po yung pinakadikit sa film, kasi film po talaga ang gusto kong kunin,” sey ng dalaga.
Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.