JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna 'yung sarili ko that time Bandera

JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time

Ervin Santiago January 23, 2022 - 08:06 AM

Gillian Vicencio at JC Alcantara

DIRETSAHANG inamin ng young actor na si JC Alcantara na minsan na rin siyang nang-“ghost” o bigla na lamang dinedma ang babaeng dine-date noon.

Game na game na sumabak ang binata sa “Truth or Dare” challange na bahagi ng fundraising campaign ng ABS-CBN sa Kumu nitong nagdaang Huwebes, Jan. 20. Ito’y para sa mga biktima ng super typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.

Dito nga napaamin si JC tungkol sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon, “Oo. Nang-ghost na. Kasi first time din namin magkasama noon. Friends kami.

“Siguro inisip ko muna ‘yung sarili ko noon that time. Kasi paano kung naging kami? Paano kung mag-away kami? 

“Baka hindi na kami magkasama. Baka hindi na kami magkita. Parang ‘yun ‘yung inisip ko kaya ko siya ghinost. Kasi gusto ko maging kaibigan na lang siya,” lahad ng aktor.

Dagdag pang chika ni JC, sa kabila ng nangyari sa kanila ng tinutukoy niyang girl, naging magkaibigan pa rin sila.

“Actually friends pa rin kami. Mas tumibay ‘yung friendship namin ngayon. Kasi hindi ko na pinaabot na maging kami,” sey pa ng binatang aktor.

Sa gitna ng panayam kay JC, pinangalanan din niya ang naturang babae — at yan ay walang iba kundi ang kapwa niya Rise Artist na si Gillian Vicencio.

“Alam ko naman alam din niya. Kapag magkakasama kami, nake-kwento rin namin ‘yung tungkol sa mga nangyari before. 

“Nagko-commercial ako noon, nagko-commercial din siya. At part din siya ng Rise. Si Gillian Vicencio. Ayun. Love you, Gillian!” pag-amin niya.


Dugtong pa ng binata, hindi pa sila talaga artista ni Gillian noong mag-date sila, “Yes, nu’ng nagko-commercial kaming dalawa, parang okay lang. Nagde-date kami nu’n, dinala ko pa siya sa simbahan. Kasi ganu’n ako kapag nakikipag-date ako. Gusto kong malapit siya kay Lord.”

“Gustung-gusto rin ako ng Mama niya, na maging kami. As in love ako ng Mama niya. Parang first time ‘yun. Sabi sa akin ni Gillian, ‘Alam mo ikaw lang JC ang pinayagan ako ng Mama ko na hindi siya kasama.’ So kaming dalawa lang talaga nu’n.

“Ayun, nag-date kami nu’n. After nu’n, hindi na ako nagparamdam,” sabi pa ng aktor 
Nagkita raw sila uli ni Gillian nang sabay silang maging Star Magic artist noong 2019. 

“Nu’ng nagkita na kami, naging artista na rin siya, sabay kami naging part ng Star Magic. May ilangan, pero napag-usapan namin. ‘Uy sorry ah,’ sabi ko. ‘Okay lang, okay lang,’ sabi niyang ganu’n. ‘At least ‘di ba, friends tayo ngayon, masaya tayo ngayon. Magka-Rise tayo.’

“Ayun, si Gillian Vicencio po. Love ko ‘yun,” sabi pa ng binata.

Unang nagkasama sina JC at Gillian sa boys’ love o BL series na “Hello, Stranger” noong 2020, kung saan nakasama rin nila si Tony Labrusca.

Luis nakaranas na ng one-night stand, 2 babae pinagsabay; Jessy ine-edit noon ang mga litrato sa socmed

Janine umaming super fan ni Bela: Napakahusay!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending