Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa '2 Good 2 Be True'? | Bandera

Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?

Ervin Santiago |November 08,2022
facebook
share this

Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa ‘2 Good 2 Be True’?

Ervin Santiago - November 08, 2022 - 07:39 AM

Yves Flores, Gillian Vicencio magdyowa na nga ba matapos ma-develop sa '2 Good 2 Be True'?

Yves Flores at Gillian Vicencio

IBINANDERA na sa wakas ng Kapamilya actor na si Yves Flores ang tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang co-star sa “2 Good To Be True” na si Gillian Vicencio.

In fairness, bukod kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay talagang tinututukan din ng manonood ang loveteam nina Gillian at Yves sa nasabing hit Kapamilya series na malapit nang magtapos.

Sa katunayan, kahit nga raw ang mga kasamahan nila sa “2 Good 2 Be True” ay nagtatanong na kung ano ba talaga ang relasyon nila ngayon – friends lang ba o lovers na?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yves Flores (@yvesfloreszeroseven)


“Tinatanong kasi ng mga tao lalo na sa set namin, inaasar kaming dalawa, kung ano raw nangyari, kung may chance ba.

“Lagi kaming inaasar na dalawa. Pati sina Ate Gelli (de Belen), si Kathryn (Bernardo). Tinatanong kami, ano ba ang mayroon sa inyo parang may something,” pahayag ni Yves sa “Inside News” ng Star Magic.

“Sabi ko ‘Gil, may something ba?’ Pati mga kaibigan namin tinanong sa amin. Siguro nadadala sa eksena, napapanood o lagi kaming magkasama. ‘Yun ang laging tanong sa amin,” chika pa ni Yves.

“Ang sinabi ni Gil, magkaibigan kami. So parang lumalim na rin ‘yung relationship namin. Pero wala kami sa ganun, alam mo ‘yung hindi namin iniisip na magka-something kami o anuman.

“Pero ang sabi ko parang tini-treasure namin kung anong relationship mayroon kami ngayon. Well sabi nga namin hindi mo alam ang mangyayari.

“Ayaw mo rin magbitaw ng salita na ayaw mo o kaya gusto mo. Okay kami. Siguro kung magkaroon man ng ganun, bonus na lang. Pero as magkaibigan ay masaya kaming dalawa,” paglilinaw pa ng aktor na kilala na ngayon bilang si Red, ang karakter niya sa “2 Good 2 Be True” habang sikat na sikat naman ngayon si Gillian as Tox.

“Marami kaming pagkakapareha ni Gil so nagdya-jibe talaga ang mga ugali namin. Kaya kung tatanungin mo kung okay sa akin na bibigyan uli kami ng next project together, oo naman,” sey pa ni Yves.

Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Madam Inutz: Wala akong mai-share na magandang memories about sa pagkabata ko dahil…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending