Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?
BATANG Quiapo pala ang aktres na si Gillian Vicencio na gumaganap bilang si Tox sa romantic comedy series na “2 Good 2 Be True” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na napapanood sa iWantTFC, A2Z, TV5, YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at iba pang cable channel ng Kapamilya network.
Nakausap namin si Gillian sa soft-opening ng Furniture Deals Sta. Maria along highway KM39 Pulong Buhangin na pag-aari ng batang entrepreneur na si Al Navarro nitong Sabado, Oktubre 1 ng tanghali kasama rin sina DJ Jhaiho, Madam Inutz, at si Alex Castro, Bise Gobernador ng Bulacan.
Boyish o unlady-like ang kilos ni Gillian bilang si Tox sa serye ng KathNiel na hindi naman daw siya nahirapan dahil ito siya sa totoong buhay.
Natanong kasi namin kung paano niya pinaghandaan ang karakter niyang boyish, “Well nanggaling po ako sa role ni Alex Salazar (Four Sisters before the Wedding) na medyo boyish din po pero mas intense po si Tox kasi lumaki po siya na puro guys ang kasama niya, mas magaslaw (kumilos). Ganu’n din po ako as a person kasi lumaki ako sa Quiapo pero lumipat na po kami two years ago.”
Edad 20 si Gillian nang lisanin nila ang Quiapo kaya malaking impluwensiya talaga ang na ito para sa mga gagampanan pang karakter ng dalaga. At kaya pansing walang effort ang arte niya sa “2 Good 2 Be True”.
Sa kuwento ng serye ay nagpanggap na mag-dyowa sina Gillian at Yves Flores bilang si Red para hindi malamang si Daniel o Eloy ang totoong gusto ng dalaga.
Maraming touchy scenes sina Gillian at Yves lalo na kapag niyayakap ng aktor ang aktres at tinititigan kaya tinanong namin kung may posibilidad na nagkaka-developan sila.
View this post on Instagram
Tumawa ng husto si Gillian, “Actually po kasi magkaibigan na po kami, na-build na ‘yung friendship namin kaya mas comfortable po talaga kami as friends, pero I can’t say po (hindi isinasara ang pinto), pero andoon kami [bilang] magkaibigan. No naman po pero kasi [now] I am focusing on my family and my career.”
Ang pagiging malambing ni Yves sa serye ay natural pala niya ito kahit off-camera. Natanong kung ano ang mga katangian ng aktor ang nagustuhan ni Gillian.
“Alam n’yo po, sobrang malambing si Yves, maalaga, mabait. Maalaga talaga actually, kapag magkasama kami sa set at pauwi na, kukunin niya ang bag ko talagang aalalayan niya po ako saka hindi po siya madamot ka-eksena, great actor, sobra,”papuri ng daaga s aka-loveteam niya sa 2G2BT.
Hindi naman itinangging crush niya si Daniel talaga dahil nakalakihan niyang pinapanood ang KathNiel sa telebisyon at mga pelikula sa edad 12.
Anong nagustuhan niya kay Daniel, “well parang kagaya ng sinasabi ng iba ang lakas kasi ng dating ni DJ, so, saka ang galing niya po umarte.”
Pero nang magkita na sila ni DJ noong edad 17 na siya (limang taon na siya sa showbiz) ay nawala na ang pagka-crush niya, “bagets pa po kasi ako noon (12 years old),hanggang ngayon naman ay hinahangaan ko pa rin siya.”
Samantala, limang taon palang sa showbiz si Gillian o Tox at pangarap niyang makapag-ipon para may pampatayo ng negosyo dahil naniniwala siya na hindi forever ang pag-aartista.
At isa rin ang furniture shop tulad ng Furniture Deals ang nasa bucket list niya lalo’t siya na rin mismo ang magpo-promote nito bilang isa siyang influencer tulad ng owner na si Al Navarro na sinimulan ang negosyo sa edad na 19 years old palang siya.
Sa kasalukuyan ay nag-aaral ng Nihongo sa online si Tox dahil, “sobrang interested po ako sa Japan as a whole, kultura, food, mga tao. Gusto kop o talagang pag-aralan ang Japan. Five times nap o ako nagpunta, so pag pumunta ulit ako kaya ko ng makipag-communicate with the people.”
Type ring mag-migrate ni Gillian Vicencio sa Japan pero sa tingin niya ay mahirap kaya pasyal-pasyal na lang muna siya lalo’t umiingay na ang pangalan niya ngayon sa 2 Good 2 Be True.
Other Chika:
AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin
Ogie Diaz: Pinag-iisipan kong tumakbong presidente o kaya senador…pwede na po ba ‘ko?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.