Kathryn, Daniel kailangan bang mag-sorry kay Gillian Vicencio?

Kathryn, Daniel kailangan bang mag-sorry kay Gillian Vicencio?

Ervin Santiago |February 12,2024
facebook
share this

Kathryn, Daniel kailangan bang mag-sorry kay Gillian Vicencio?

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 09:36 AM

Kailangan bang mag-sorry nina Kathryn at Daniel kay Gillian Vicencio?

Gillian Vicencio

DIRETSAHANG natanong ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio kung dapat bang mag-sorry sa kanya sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito’y matapos ngang madamay ang dalaga sa kontrobersyal na hiwalayan ng KathNiel. Isa si Gillian sa mga sinisisi ng netizens kung bakit daw nag-break sina DJ at Kath.

Pero nanindigan ang Kapamilya young actress na wala siyang ginagawang masama at hindi totoong siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating celebrity couple.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

Sa naganap na first anniversary celebration para sa Beautèderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga kasabay na rin ng Chinese New Year nitong Saturday, February 10, nakausap namin si Gillian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa ang aktres sa ipinakilala ng Beautéderm CEO and President na si Rei Anicoche Tan bilang pinakabago nilang brand ambassador.

Tanong kay Gillian, kailangan bang mag-apologize sina Kath at Daniel sa kanya dahil sa matinding pamba-bash sa kanya ng ilang fans na nagdulot pa nga ng trauma sa kanya.

“Hindi naman natin maoobliga ang mga tao. Kasi kahit ano naman ang gawin mo, may masasabi at masasabi sila.

“So, hayaan na lang. Kasi kahit ano ang sabihin mo, good or bad, paniniwalaan nila kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

“And I can’t control that. Basta, I know my self. I know my truth,” magandang paliwanag ng ka-loveteam ng Kapamilya actor na si Yves Flores.

Sundot na question sa kanya kung hindi na siya nag-e-expect ng sorry mula sa mga taong nangdamay sa kanya sa breakup ng KathNiel.

Baka Bet Mo: Anji Salvacion sinigurong maraming malilinlang sa seryeng ‘Linlang’; Gillian Vicencio bumalik sa pag-aaral sa tulong ng Star Magic

“Hindi ko po alam, eh. Sila `yon, eh. Ayoko na lang magnega pa. Basta ako magpo-focus na lang sa sarili ko. Sa mga ginagawa ko ngayon. Sa mga blessing na natatanggap ko.

“Sa family ko. Sa mga nagmamahal sa akin. Parang `yun nga, ayoko na lang pakialaman ang buhay ng ibang tao,” depensa ng dalaga.

“Nagka-trauma (ako). May ganun talaga, kasi hindi naman talaga maiiwasan na makaramdam ng ganu’n. Every time you open the social media, may mababasa kang ganu’n,” pag-amin ni Gillian.

Hindi na rin daw siya sumasagot sa mga hate comments about her. Tungkol naman sa pinakamasakit na komento na nabasa niya sa social media, “Hindi ko na matandaan, kasi marami, eh. Basta, iniyakan ko na lang siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


Samantala, walang problema kay Gillian kung makasama uli niya sa teleserye o pelikula ang KathNiel. Tatanggapin daw niya kung magkakaroon siya ng offer.

“Project kasi `yon, at kailangan ko ng pera! Ha-hahaha! Okay lang naman, wala naman kasi `yon!” pagpapakatotoo ni Gillian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama si Gillian sa upcoming romcom series ng ABS-CBN, ang Pinoy version ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim” starring Kim Chiu and Paulo Avelino.

“Thank you, Lord, kasi mayroong blessings na dumarating. Mayroon akong tine-tape na series na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ and na-shoot na movie with Joem Bascon and other magagaling na indie artists,” sey ni Gillian Vicencio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending