AJ nagsalita na ukol sa pagiging 'kabit': Never po nanligaw si Diego sa akin Bandera

AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

Reggee Bonoan |December 04,2021
share this

AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

Reggee Bonoan - December 04, 2021 - 04:21 PM

AJ nagsalita na ukol sa pagiging 'kabit': Never po nanligaw si Diego sa akin

KALIWA’T kanan ang pamba-bash ngayon sa sexy star ng Viva Films na si AJ Raval dahil ikalawang beses na niyang masangkot sa lalaking may karelasyon na, kina Aljur Abrenica at Diego Loyzaga.

Tulad ng sinulat namin dito sa BANDERA kahapon ay hindi naman talaga “third wheel” sa Aljur at Kylie Padilla ang young star dahil hiwalay na ang mag-asawa nang ma-link siya sa aktor na nakasama niya sa pelikulang “Nerissa” na pinagbidahan ni Cindy Miranda for Viva Films.

Ngayon ay kay Diego naman nali-link ang dalaga bagay na inalmahan ng kasalukuyang karelasyon ng binata na si Barbie Imperial na naglabas siya ng saloobin sa panayam nya kay Boy Abunda noong Nobyembre 28 sa Cinema One kung saan hinamon niyang dapat magsalita si AJ para malinawan na ang lahat.

Base sa eksklusibong panayam ng pikapika.ph ng katotong Anna Pingol ay nabanggit niyang wala siyang alam na sangkot na naman siya dahil wala siyang social media ngayon kasi nga nag-detox siya.

Nalaman lang ni AJ ang panayam ni Barbie kay Kuya Boy dahil ipinapanood sa kanya ng kanyang personal assistant.

“Yes po, napanood ko. Pinapanood po sa akin ng personal assistant ko kasi po wala na po akong update sa social media. Nag-detox po talaga ako ngayon kaya hindi ko po alam ’yong mga nangyayari. Tapos pinapanood lang sa akin ’yong video,” bungad ng young actress.

Habang pinapanood ni AJ ang panayam ni Barbie ay wala siyang galit na naramdaman ng mga oras na iyon pero nagtataka siya bakit tinatalakan siya ng girlfriend ni Diego.

“Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon,” katwiran ng dalaga.

Sa pagkaka-diin daw ni Barbie na kailangan niyang magsalita at linawin ang tungkol sa kanila ni Diego, “I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong.”

Klinaro rin ni AJ ang sinabi ni Barbie na siya ang nagpapadala ng tsismis sa self-proclaimed pambansang Marites (tsismosa) ng Pilipinas, ang social media personality na si Xian Gaza.

“Wala po akong idea sa’n po galing ’yon kasi ba’t naman ako magpi-feed kay Xian ng tungkol sa akin, e, di parang pinahamak ko po ’yong sarili ko?” takang sagot ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Anyway, para sa kaalaman ng lahat at mawala na rin ang tsismis kina Diego at AJ ay matinding pinabulaanan ng huli ang isyu at ‘yung pagdalaw sa bahay nila sa Pampanga.

“Si Diego po hindi po. Never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego. One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po.

“Sa totoo lang, wala po akong contact sa kanila kay Diego. Hindi po kami nag-uusap. Parang one year ago huling usap ko po kina Barbie at saka isang beses ko lang din po nakita si Barbie. Parang Hi, hello lang po. So, wala po talaga kaming connection,”diin ni AJ.

Sa sinabi pa ni Barbie na magkaibigan sila ni AJ, “Hindi po kami close ni Barbie. Parang hi, hello lang po talaga. Isang araw ko lang po siyang nakasama. Nu’ng isinama po ako sa event nilang magkakaibigan. Isang araw lang po.”

Ang reaksyon ni AJ na ginagawan siya ng isyu ni Xian Gaza, “hinahayaan ko na lang po ’yon kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng k’wento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po.”

At dahil walang katotohanan ang lahat ng bintang sa kanya tungkol kay Diego ay inunawa na lang niya ang galit ni Barbie.

“Kay Barbie naiintindihan ko naman si Barbie kung saan po siya nanggagaling. Nadadala lang po siya ng emotion niya dahil po sa mga fans, sa mga sinasabi ng fans. Naiintindihan ko po siya kasi nanggaling po ako diyan. Na-provoke po ako ng mga tao kahit na wala naman pong ginagawang masama sa akin ’yong babae. Na-provoke lang po talaga ako ng mga tao. So, naiintindihan ko po siya.

And she’s even wishing Barbie and Diego well.

“Sana po maging okey po sila ni Diego. Sana po ‘wag na po nila akong idamay kasi po unang-una, sila po ’yong magkarelasyon. Hindi po ako kasali są relationship nila. Kaya dapat ayusin po nilang dalawa ’yon kasi wala naman po talaga ako sa relasyon nila. Hindi po ako kasali.”

Tungkol naman sa pinost ni AJ na karakter na mukha ni Unding ay na ‘her man’ a in general daw iyon para sa mga taong umaaway sa kanya dahil hindi lang naman daw si Barbie iyon.

“Ano lang po ’yon for fun lang po. Kasi natawa lang po ako. Hindi lang naman po si Barbie ’yong nagagalit sa akin na babae ngayon. Iba-ibang babae. So, pinost ko po ’yon. Hindi naman po diretso sa kanya. Lahat po ng ganitong sitwasyon na nagagalit sa akin ’yong mga babae. Ang dami po talaga. Ang dami pong galit na galit sa akin kaya po pinpost ko po ’yon,” natawang sagot ng dalaga.

AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party

Isa pang tanong kay AJ ay kung kumusta na sila ni Aljur.

“Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag uusap lang naman po kami. Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin.

“Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realization. Also, I think it’s part of the process of growing in showbiz. Sa nangyari po na ’yon mas naging responsible po ako sa mga sini-share at pino-post ko dahil hindi po lahat maiintindihan or pipiliin unawain ’yong sitwasyon ng iba.

“Sa ngayon, parang pareho po kaming may dapat may i-prioritize, may mga problem na dapat unahin… inuuna po namin ’yong mga bagay na yan,” pahayag ni AJ.

Hayan malinaw na, walang katotohanan ang Diego-AJ at wala ring relasyon ngayon sina AJ at Aljur. Klaro na mga Marites at Mosang?

Related Chika:
Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!
Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending