Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka Bandera

Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Ervin Santiago |November 30,2021
share this

Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Ervin Santiago - November 30, 2021 - 12:12 AM

AJ Raval, Barbie Imperial at Diego Loyzaga

HINAMON ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang Viva Artists Agency talent na si AJ Raval na magsalita tungkol sa mga tsismis sa kanila ni Diego Loyzaga.

Matapang ang mga naging sagot ng dalaga sa mga tanong na may kaugnayan sa tsismis na nag-uugnay sa kanyang boyfriend na si Diego at sa dati nitong leading lady na si AJ na sinasabi namang dyowa na ngayon ni Aljur Abrenica.

Mariing dinenay ni Barbie ang lumabas na balita na pumupunta umano si Diego sa Pampanga para bisitahin lang si AJ. 

“Lahat ng binibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun.

“Kung kaya ko lang sabihin live na hindi totoo, sasabihin ko. Pero ayoko naman na kasi mangsira ng ibang babae,” ang pahayag ni Barbie sa panayam ng “Best Talk” ng Cinema One hosted by Boy Abunda.

Kasunod nito, ipinagdiinan din ng dalaga na kuha sa shooting ng kanilang pelikula ang mga lumalabas na video kung saan makikitang magkasama sina Diego at AJ.

Punto ni Barbie, “’Yung about kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka, like, kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego?”


Bukod dito, naniniwala rin si Barbie base sa mga hawak niyang ebidensya na si AJ umano ang nagbibigay ng mga impormasyon sa kontrobersyal na internet personality na si Xian Gaza. Si Xian ang unang nag-blind item tungkol kina AJ at Diego.

“And I heard, like, I have a a proof na AJ and Xian Gaza are friends. And they really talked about… she feeds him info ng mga tsismis,” pambubuking pa ng aktres.

Inamin din ni Barbie na magkaibigan sila noon ni AJ dahil kaibigan din niya ang ex-boyfriend nitong si Axel Torres.

“Actually, friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin sia sa grupo namin kasi nga ano, girlfriend siya ng best friend ko na si Axel,” ani Barbie.

Paliwanag pa ng dyowa ni Diego, “Nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na okay gusto mong maging kabit, eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siyahttps://bandera.inquirer.net/282328/diego-kay-barbie-para-siyang-nanay-mag-alaga-pero-para-ring-baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending