Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval! Bandera

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

Therese Arceo |December 02,2021
share this

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

Therese Arceo - December 02, 2021 - 05:19 PM

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

NA-GUILTY na nga ba ang social media personality at self-proclaimed “Pambansang lalaking Marites ng Pilipinas” na si Christian “Xian” Gaza sa mga inilabas niyang chika na ikinagulo ng tahimik na buhay ni AJ Raval?

Isa kasi si Xian sa mga dahilan kung bakit nasangkot sa sanga-sangang issue si AJ na nagsimula noong ibinunyag niya ang “relasyon” ng dalaga kay Aljur Abrenica na kakahiwalay lang sa asawang si Kylie Padilla.

Ilang linggo lang matapos humupa ang kontrobersya ay muli na namang nasangkot si AJ sa isyu nag isiwalat ni Xian na nagpunta raw si Diego sa bahay ng aktres sa Pampanga habang hinihintay siya ng dyowang si Barbie sa Manila.

Kaya naman nang matanong si Barbie sa isang interview ukol sa isyu ay hindi nito napigilan na magsalita ng hindi maganda.

“’Yung about kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka, like, kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego?” saad ni Barbie na agad na nag-viral sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Ngayon tuloy ay tinagurian na ang aktres na “babaeng walang pahinga”, “pambansang third party” at “anaconda ng taon” ng mga netizens.

Tahimik naman si AJ hinggil sa isyu.

Mukha namang natauhan na si Xian at nagmumuni-muni sa mga nagawa sa kaibigang aktres.

“Nagmumuni-muni ako ngayon. Nakokonsensya ako kasi parang sinira ko buhay ni Aj Raval.

“Inexpose ko sila ni Aljur last Oct. tapos sila ni Diego last month kaya simula ngayong Disyembre, magbabago na ko,” saad ni Xian sa isang Facebook post.

Ngunit mukhang “it’s a prank” ang eksena dahil sa huling parte ng kanyang post.

“Hinding-hindi na ko makokonsensya.”

Ano kaya ang sey ni AJ sa mga pinaggagagawa sa kanya ni Xian Gaza lalo na’t itinuturing niya itong kaibigan?

Related Chika:
Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending