Sinag Maynila 2024 bongga ang pagbabalik; bakbakan ng 7 pelikula
PROMISING ang line-up ng mga pelikulang kalahok sa pagbabalik ng Sinag Maynila Film Festival na apat na taon ding hindi nasaksihan ng publiko.
Kasabay ng Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino ay ang Buwan ng Turismo ng Maynila kaya mas malaki at mas kapana-panabik ang muling pagsikat ng Sinag Maynila filmfest.
Siguradong malaki rin ang maitutulong ng festival na ito sa movie industry at sa mga producer at filmmaker upang mas mapaingay at mas mapasaya pa ang entertainment industry.
Sa pagbabalik ang Sinag Maynila Film Festival maglalaban-laban ang pitong full-length movies, pitong dokumentaryo, at 20 short films mula sa mga professional at amateur directors.
Baka Bet Mo: Claudine excited nang gumanap na diwata, sasabak na rin sa pagdidirek
Makabuluhan ang pagbabalik dahil ang iconic filmfest na itinatag ni Solar Entertainment President Wilson Tieng at kilalang direktor na si Brillante Mendoza ay isasabay nga sa pagdiriwang ng Buwan ng Turismo ng Maynila at ng Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino.
Lahat ng Sinag Maynila 2024 finalist films ay mapapanood sa mga sinehan simula sa September 4 at magtataposnsa September 8, 2024.
View this post on Instagram
Narito ang official finalist para sa full-length feature films:
1. “The Gospel of the Beast” by Sheron Dayoc starring Janssen Magpusao and Ronnie Lazaro (Social Drama)
2. “Her Locket” by J.E. Tiglao starring producer-lead actress Rebecca Chuaunsu and Elora Españo (Family Drama)
3. “Banjo” written, directed and starring Bryan Wong (Action)
4. “Maple Leaf Dreams” by Benedict Mique starring Kira Balinger and LA Santos (OFW-themed romance shot in Canada)
5. “What You Did” by Joan Lopez Flores starring Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral and Ana Abad Santos (Pyschological thriller)
6. “Salome” by Gutierrez Mangansakan II with Perry Dizon, Tommy Alejandrino, and Dolly de Leon (Drama)
7. “Talahib” (Legend of the Tall Grass) by Alvin Yapan starring Joem Bascon, Gillian Vicencio and Kristoff Garcia (Slasher)
Documentary Section
1. “Ghosts of Kalantiaw” by Chuck Escasa
2. “Ino” by Ranniel Semana, “Natatanging Palayok” (The Exceptional Pot) by Ein Gil Randall S. Camuñas
3. “Pag-Ibig Ang Mananaig” (Love Will Prevail) by Jenina Denise A. Domingo
4. “Panatag” (Tranquil) by Allan Lazaro
5. “Untitled/ Unfinished” by Matthew Victor Pastor
6. “Way of the Balisong” by Paul Factora
Short Film Section
1. “14 Days” by Nars Santos
2. “Ang Maniniyot ni Papa Jisos” (Father Jisos’ Photographer) by Franky Arrocena
3. “As the Moth Flies” by Gayle Oblea
4. “Bisan Abo Wala Bilin” (Even Ashes, Nothing Remains) by Kyd Torato
5. “Kiyaw” (Hill Myna) by Jericho Jeriel
6. “ILO” by Serafin Emmanuel P. Catangay
7. “Mananguete” (The Coconut Sap Collector) by Mery Grace Rama-Mission
8. “Ina Bulan” by Melver Ritz L. Gomez
9. “Sa Paglupad Ka Banong” (The Flight of Banog) by Elvert Bañares
10. “Suka and Toyo Can Make Adobo (Vinegar and Soy Sauce Can Make Adobo) by Jude Matanguihan
Samantala, nakausap namin ang isa sa mga lead stars ng OFW-themed romance ni Benedict Mique na “Maple Leaf Dreams” na si LA Santos sa ginanap na announcement ng Sinag Maynila official entries.
Baka Bet Mo: ‘Sinag’ nina Claudine at Direk Elaine Crisostomo bongga ang budget
Sabi ni LA grave ang mga challenge na hinarap nila ni Kira habang nagsu-shooting sila sa Canada kung saan gumaganap sila bilang young couple.
“Sobrang lamig du’n nu’ng mag-shoot kami kaya may mga pagkakataon na ayaw lumabas yung luha namin (sa mga drama moments).
“Isa ‘yun sa challenging and sa sobrang limited ng time na kailangang maka-deliver agad kami. Pero masaya naman po yung kabuuan ng stay namin sa Canada,” pahayag ni LA.
View this post on Instagram
Bongga rin ang psychological thriller na “What You Did” ni Joan Lopez Flores dahil star-studded ang movie na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral, at Ana Abad Santos.
Sey ni Direk Joan, ang pelikula ay, “story of survival, story of conflict.”
Sabi naman ni Tony, ito na yata ang pinakamahirap na character na ginampanan niya sa buong career niya bilang artista.
“Simula nang nag-umpisa akong umarte ang naibigay agad sa akin mahihirap. Eh gusto ko makaganap ng mala-teenybopper na character. Hindi ko na-experience at pabigat pa nang pabigat ang nabibigay sa akin.
“This movie was amazing, it was crazy, it was harder, it was a challenge. Ang dami kong natutunan about myself, about the character, about certain things ayun kaya super special ang pelikulang ito para sa akin,” pahayag ni Tony.
Mukhang maganda rin ang entry na “Salome” ni Gutierrez Mangansakan II starring Perry Dizon, Tommy Alejandrino, at Dolly de Leon na pawang mga historian at curator ang mga karakter na ginagampanan.
Mula sa Mindanao ang mga namahala sa pelikulang ito. “Unique ang Salome dahil it explores the theme of history, indegenous history and there’s mystery. Mystical and it was a reimagination of Elias and Salome, ang Kabanata X ni Dr Jose Rizal. And it evolve something more than that,” sabi ng editor nitong si Edmund Telmo.
Siguradong aabangan din ng mga mahilig sa slasher movie ang suspense- thriller na “Talahib (Alamat ng Matataas na Damo)” ni Alvin Yapan kung saan bida sina Joem Bascon, Gillian Vicencio, at Kristoff Garcia.
Sabi ni direk Alvin, madugo ang kanyang pelikula, “Sinadya talaga namin na madugo, hindi gore pero bubuhos ang dugo. Hindi kami R-18, pero hopefully mag-PG13. Wala naman kaming decapitation, pero there’s blood. Gusto pa rin namin na mas maraming makapanood.”
Sa katunayan, nagkasugat-sugat at puro pasa si Gillian habang ginagawa ang intense and bloody scenes sa movie.
Ang mga finalist ay pinili sa daan-daang entry na natanggap mula sa mga Filipino filmmakers mula sa buong mundo.
View this post on Instagram
“Sa oras na isinara namin ang pagsusumite noong Hulyo 24, nakatanggap kami ng napakaraming bilang ng mga entry,” sabi ng co-founder ng Sinag Maynila na si Direk Brillante Mendoza.
“Ang aming screening committee ay nahirapan sa paggawa ng kanilang mga pagpipilian dahil ang lahat ay may matibay na dahilan para maisama,” aniya.
Sabi naman ni G. Wilson, ang ama ng Sinag Maynila, “It just goes to show that there are so many talented Filipino filmmakers and they are raring to show their works and are looking for avenue to present their stories.
“Masaya ang ‘Sinag Maynila’ na makapagbigay ng pagkakataon para sa kanila. Sa suporta ng aming mga kasosyo at ng mga manonood ng pelikula, maaari naming ipagpatuloy ang aming adbokasiya para sa ‘Sine Lokal, Pang-International,” sabi pa ni Wilson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.