Lorna 10 araw lang sana sa 'Probinsyano' pero umabot ng 3 taon: Dito rin ako ginawang action star ni Coco! | Bandera

Lorna 10 araw lang sana sa ‘Probinsyano’ pero umabot ng 3 taon: Dito rin ako ginawang action star ni Coco!

Alex Brosas |August 10,2022
facebook
share this

Lorna 10 araw lang sana sa ‘Probinsyano’ pero umabot ng 3 taon: Dito rin ako ginawang action star ni Coco!

Alex Brosas - August 10, 2022 - 08:12 AM

Coco Martin, Tirso Cruz III, John Arcilla at Lorna Tolentino

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Lorna Tolentino sa “FPJ’s Ang Probinsiyano.”

Matagal rin ang itinakbo ng kanyang character na si Lily Ann Cortez-Hidalgo na isa sa major kontrabida sa action series ng ABS-CBN.

“Isang malaking karangalan na maging parte ng FPJ’s Ang Probisyano na umabot na ng pitong taon. Ito ay papahalagahan ko dahil  baka hindi na ito maulit muli,” say ni Lorna sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment.

“Isa siya sa mga teleserye na masasabi kong mangingibabaw sa mga nagawa kong teleserye. Umabot ako ng tatlong taon na dapat ay 10 araw lamang,” dagdag pa niya.

Ayon kay LT, marami siyang nagawa sa TV series na hindi niya nagawa sa ilang taon niyang paggawa ng mga teleserye sa buong TV career niya.

“Ang pinakahindi ko makakalimutan, marami akong nagawang eksena na bagung-bago. Naging action star na rin ako. Umabot na sa point na ganoon,” chika niya.

As for Coco Martin who played Cardo Dalisay, labis-labis ang paghanga niya sa actor na itinuturing ng marami na Pambansang Bayani sa telebisyon dahil sa dami nitong natulungang actor na wala ng career at sa mga staff na hindi niya nakakalimutang abutan ng tulong lalo na noong may matinding pandemya.

View this post on Instagram

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


“Nakita ko na more than 100% ang ibinibigay niya bilang artista, bilang director, writer, bilang nasa creative. Doon ko nakita kung gaano ‘yung professionalism, ‘yung pagmamahal niya sa industriya,” say ni Lorna.

Last week na ng “Ang Probinsiyano” at talagang kaabang-abang ang ending nito na ginastusan nang todo ng Dreamscape Entertainment.

Pagkamatay nina John Estrada at Lorna Tolentino sa ‘Ang Probinsyano’ masyadong brutal

Erap, Ate Vi, Maricel, Lorna, Ai Ai wasak ang puso dahil sa pagpanaw ni Susan Roces: Maraming Salamat, we will miss you…

Osang humingi na ng tawad kay Lorna: Niyakap ko siya, naiyak talaga ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending