Gillian nag-message kay Kathryn nang madamay sa breakup

Gillian na-trauma; nag-message kay Kathryn nang madamay sa KathNiel breakup

Ervin Santiago |February 11,2024
facebook
share this

Gillian na-trauma; nag-message kay Kathryn nang madamay sa KathNiel breakup

Ervin Santiago - February 11, 2024 - 02:55 PM

Gillian na-trauma; nag-message kay Kathryn nang madam sa KathNiel breakup

DJ Jhai Ho, Gillian Vicencio, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

NA-TRAUMA ang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio sa naranasang pamba-bash at panghaharas mula sa ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakatanggap ng matinding pangnenega at pang-ookray ang dalaga nang pumutok ang balita na may kinalaman daw siya sa paghihiwalay nina Kath at DJ.

Naging close si Gillian kina Kathryn at Daniel nang gawin nila ang Kapamilya series na “2 Good 2 Be True” at isa nga siya sa mga sinisi ng fans sa controversial breakup ng KathNiel.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio aminadong laking Quiapo, may chance nga bang maging dyowa si Yves Flores?

Nagkaroon kami ng chance at ang ilang members ng entertainment press na makachikahan si Gillian sa ginanap na 15th anniversary at Chinese New Year celebration ng Beautéderm Corporation ni Ms. Rhea Anicoche Tan kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gillian Vicencio (@_gillianvicencio)


Ginanap ito sa Beautèderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga na dinaluhan ng mga celebrity ambassadors at social media influencers ng kumpanya.

Isa si Gillian sa mga ipinakilala ni Ms. Rei bilang bagong celebrity ambassador ng kanilang matagumpay ng beauty empire. Abot-langit ang pasasalamat ng aktres sa bagong blessing na ito sa kanyang buhay at career.

Paliwanag ni Gillian tungkol sa KathNiel breakup, hindi raw niya maintindihan kung bakit nadamay siya sa isyu ng KathNiel dahil walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.

Baka Bet Mo: Gillian Vicencio aminadong nakakaramdam ng pagod sa pag-aartista: Gusto kong maramdaman na may resulta ‘yung pagta-trabaho ko

“Nagulat po ako. Wala naman pong nangyari na ganu’n. First time ko po magkaroon ng ganu’ng issue.

“Hindi ko po alam kung saan nanggagaling. Nag-message po ako sa kanya (Kathryn) at hindi pa po kasi kami nagkikita ulit nang personal,” mahinahong esplika ng Kapamilya actress.

Hindi pa rin daw sila nagkakausap o nagkakapalitan ng mensahe ni Daniel, “Hindi naman po kami nag-uusap. Matagal na rin po kaming hindi nag-uusap after nu’ng taping. Nu’ng taping lang talaga kami nakakapag-usap (iba pang co-stars nila sa 2 Good 2 Be True).”

Pag-amin ng dalaga, totoong nagka-trauma siya sa pamba-bash ng haters dahil sa pagli-link sa kanila ni Daniel.

“Hindi maiiwasan na makaramdam ka ng trauma. Hindi ko na matandaan ‘yung pinakamasakit na comment kasi marami po.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi. Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon,” aniya pa.

Kumusta na siya ngayon? “Siyempre maaapektuhan ka naman talaga. Hindi maganda ang mga sinasabi. Dahil sa family and friends ko na hindi ako iniwan kaya medyo okay-okay naman po ako ngayon.”

Ito naman ang message niya sa mga bashers, “I cannot control the minds of other people. At least I know myself and my truth.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Todo pasalamat din siya sa TV-radio host-comedian na si Jhai Ho na talagang nagtatanggol sa kanya sa bashers, “Sobrang thankful ako kay Mama Jhai kasi hindi niya ako ever iniwan. Nandiyan siya to guide me.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending