Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello' | Bandera

Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Reggee Bonoan |May 19,2023
facebook
share this

Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Reggee Bonoan - May 19, 2023 - 09:10 PM

Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello'

PINASOK na rin ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang pagba-vlog para ma-update ang kanyang matatagal ng supporters.

Sila raw ang nagtulak kay Marya na mag-YouTube na rin na na-e-enjoy naman ito ng aktres, base ito sa kuwento niya sa content creator/talent manager na si Ogie Diaz sa YouTube channel na uploaded kaninang hapon.

Pagbabahagi ni Maricel, “Because they (fans) don’t get to see me anymore dahil wala na tayong mga pelikula ngayon masyado dahil hindi okay ang (kita) ano ngayon ng takilya.

“Tapos sila (fans) lagi silang nandiyan na ang daming nire-request na ‘sana naman Inay makita ka namin sa ganito, sa ganyan. Maliligalig alam mo naman ang mga batang maliligalig di ba?”

Paliwanang pa ni Maricel, “So ‘yung akin para matahimik din sila at nakikita nila ako at the same time habang ginagawa ko ito (vlogging) marami akong natutunan sa mga ini-interview kong mga tao. Na-excite na rin ako na gusto ko na rin.”

At ang na-realize raw ng premyadong aktres  sa vlogging, “susugod ka sa kung anu-anong mga lugar at saka hihintayin mo (interviewee), pero in fairness wala naman akong masyadong hinintay, maaga sila.”

Biro ni Ogie na rati ay siya ang hinihintay ngayon pero kahit kailan naman ay hindi nagpapahintay si Marya sa set. At kaya hindi nali-late ang mga ini-interview ng aktres ay dahil tinitingnan pa rin daw ang estado ng aktres.

“Kung baga Maricel Soriano ito ‘wag nating paghintayin,” say ni Ogie.

“Kung baka nabaligtad na ikaw na ‘yung naga-approach sa artista para mag=guest (sa YT).”

Hirit naman ni Maricel, “masaya nasisisyahan ako.”

Ang mga panayam niya kina Janice de Belen at Edu Manzano ay nag-viral pero para sa aktres ay hindi niya inisip na ganu’n dahil hindi siya makapaniwala.

Sinabi ni Ogie na kapag trending ay dinudukot ng online news at highly recommended ito dahil pumapalo ang algorithm bagay na hindi raw alam ni Maricel.

Ang isa sa dream interview ng premyadong aktres ay ang Hollywood actor na si Brad Pitt para alamin kung bakit sila naghiwalay ni Angelina Jolie.

Baka Bet Mo: Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

“Ang guwapo di ba? Bakit sila naghiwalay? Gustung-gusto ko sila together!” sambit ng aktres.

Sa local stars ang bet naman ni Maricel, “may mga bagets akong gusto kagaya ni Enchong (Dee) kasi mahusay siyang umarte, tuwang-tuwa ako hindi pa kami nagkaka-trabaho. Tapos si Joshua (Garcia). Gusto ko siyang ma-interview napakabait ng batang ‘yun.”

Klinaro rin ng ex-wife ni Edu na noong nag-interbyuhan sila ay walang nanumbalik na anuman, naalala lang niya ang kanilang mga nakaraan.

“Walang nanumbalik kasi kami ni Edu bago naging kami, magkaibigan kami. Kaya may fallback ‘yung aming relationship as husband and wife, meron kaming tinatawag na friendship. Nung naghiwalay kami, okay kami. Hindi kami nag-away, magkaibigan kami,” tsika nito kay Ogie.

Nakakaaliw ang sinabing bukas pa naman daw ang pintuan niya sa mga gustong magparamdam sa kanya.

“Open naman kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello.’ Kung mati-take nila (ugali ko), e, di winner ka. Pero pag hindi, umuwi ka na!” diretsong pahayag ni Maricel Soriano.

Samantala, napag-usapan ang mga ilang baguhang artista ngayon na walang paggalang sa senior stars bagay na ikinalulungkot nila pero si Maricel ay dedma sa mga baguhang walang respeto at naka-witness na siya.

“Nakakita ako ng ganu’n pero hindi ako ang ginano’n. Kung baga nasaktan din ako kapag nakakakita ako ng mga ganu’n na hindi man lang nagbigay pugay.

“Kami kasi pudpod ang lips namin sa kahahalik (mas senior sa kanila) kasi iyon ang training namin. Nakagisnan namin iyon na magbigay pugay ka. Kahit nasa dulo pa ng anu yan (puwesto ng senior star) pupunta ako ro’n, ‘tita nandito nap o ako, ako po si Marya.’

Sa panahon ngayon ng mga bagong artista, “sinabi ko sa sarili ko, ayaw kong ma-stress sa ganyan, number one hindi ko naman kayo kilala bakit ko naman istresin ang sarili ko, di ba?

“Now if you come to me and tell me who you are then I will entertain you. But of you’re not coming to me and and say ‘hello’, e, di wala ka ring mapapala sa aking ‘hi.’

‘Wag nang dibdibin (mga walang galang), hindi worth it. Mga bata ‘yang mga ‘yan hindi nila alam ang ginagawa nila,” opinyon ng aktres.

Hinding-hindi makakalimutan si Marya ng mga nakatrabaho na niyang youngstars dahil sobra itong generous at maalalahanin sa set.

Lalo na kapag pawisan na ang mga ito ay pinapupunasan niya ng lampin ang mga likod at may mga regalo siya sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Maricel Soriano naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Edu ibinuking ang mga ‘sikreto’ ni Maricel tungkol sa mga balikbayan box: ‘Nakakaloka ka pa ring kausap!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending