Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega | Bandera

Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

Ervin Santiago |January 09,2023
facebook
share this

Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

Ervin Santiago - January 09, 2023 - 08:14 AM

Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

Maricel Soriano at Sylvia Sanchez

SIGURADO kaming magiging blockbuster ang pagsasamahang project ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez at ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Isa kami sa mga nagdarasal na sana’y matupad na nga ang matagal nang pangarap ni Sylvia na makatrabaho si Maricel sa isang bonggang pelikula.

Feeling namin, hindi ito imposibleng mangyari ngayong 2023 dahil isa na ring producer ang nanay nina Congressman Arjo Atayde at Ria Atayde.

At isa nga sa mga naka-line up na proyekto ng kanyang Nathan Studios ay ang dalawang Valentine shows na “Becoming Ice” sa February 18 at ang “The Ultimate Drag Experience: Divine Divas Live”.

Ka-collab niya rito ang Fire And Ice Media Production ng mag-asawang  Liza Diño at Ice Seguerra na siya ring nag-produce ng katatapos lang na 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Bukod dito, ang Nathan Studios din ang nasa likod ng bagong pelikula ni Arjo kasama sina Sid Lucero at Julia Montes, ang “Topakkk”.

“Siyempre, may difference kasi being an artista, nasa harapan ako ng camera. Ngayon, off cam ako and mas ginahanahan ako ngayon, kasi mas nakikita ko, ang dami-daming magagaling na aktor na puwede mong i-build up na puwede mong bigyan ng chance.

“Natutuwa ako and marami pa talaga tayong actors na hindi pa rin nabibigyan ng chance na dapat bigyan ng break,” sabi ni Sylvia sa isang panayam.

Sabi pa ng premyadong aktres, “Ibang-iba kung pag-uusapan and fulfilled ako bilang gusto ko tumulong sa mga tao na kulang ng tulong, na hindi pa natutulungan, na kulang sa oportunidad.

“Kasi naniniwala ako na maraming magagaling umarte na hindi pa lang talaga napapansin,” aniya pa.

Samantala, nangako naman si Sylvia na hindi niya tatalikuran ang pag-arte, “Gusto kong i-produce at makasama, honestly pangarap ko si Maricel Soriano. Roderick Paulate ‘yun ang gusto kong kasama. Pangarap ko rin si Ate Vi (Vilma Santos) ‘yun ang mga gusto ko.”

“Of course, gusto ko rin si Sharon (Cuneta) pero ang pinakaano ngayon…nasa line up na namin mayroon na akong, binabalak. Nag-usap na kami ni Maricel Soriano,” ang rebelasyon pa ni Ibyang.

Sabi ni Sylvia, sana raw ay matupad na ito ngayong 2023, “Posibleng mangyari. Sana! Sana! Nakapag-usap na kami so magsasama kaming dalawa.

“Kasi noong maliit pa lang ako, si Maricel na ‘yung super excited ako na makasama siya,” dugtong pa ni Ibyang.

Ano naman kaya ang naiisip niyang tema o konsepto ng gagawin nilang project ni Maricel, “Ewan ko, hindi ko pa alam. Basta, gusto ko siyang makasama.

“Alam mo ‘yung iba naman sa aming dalawa, ‘yung hindi naman ‘yung laging nakikita sa amin. Iba at saka, nag-usap na rin kami ni Ice (Seguerra), gagawa kami ng movie together kaming dalawa about LGBTQIA+ so iyun ang isa sa mga naka-line up ‘yun,” excited pang chika ni Sylia.

Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Payo ni Maricel kay Donny: Sana maka-inspire kayo ng ibang tao, na maabot din nila ang kanilang mga pangarap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel sumabak sa pa-acting challenge ni Vice, gayang-gaya sina Nora, Vilma at Dolphy; winner sa ‘Banayad Whiskey’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending