Anthony, Maris ‘naghigupan’; madaling napatawad sa cheating scandal

Maris Racal at Anthony Jennings
MUKHANG naka-move on na rin ang madlang pipol sa cheating issue na kinasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings bago matapos ang 2024.
In fairness, sa kabila ng pambabasag sa kanila ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva sa pamamagitan ng nakakalokang screenshots ng umano’y panloloko ng mga ito, ay marami pa rin ang sumusuporta sa kanila.
Sabi nga ng ilang fans, madaling napatawad ng publiko ang magka-loveteam sa kinasangkutan nilang iskandalo.
In fact, nag-iingay na naman ang tambalan nilang “MaThon” sa kanilang ABS-CBN series na “Incognito” na palaging trending sa social media.
Baka Bet Mo: Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’
Mas lalo pang pinag-usapan ang dalawa nang ilabas ang trailer ng bago nilang movie, ang “Sosyal Climbers” na mapapanood sa Netflix ngayong February.
Pasabog ang laplapan at mukbangan nina Maris at Anthony sa naturang teaser ng pelikula na idinirek ni Jason Paul Laxamana.
View this post on Instagram
“Stuck with a massive debt after falling for a scam, two wannabe socialites create elaborate fake identities to swindle the rich out of their money,” ang nakalagay sa synopsis ng film.
Sa kuwento, magpapanggap na mag-asawa sina Maris at Anthont bilang Penelope at Kiefer Regalado na magpapakilala as graduates of international schools.
“Pagkakitaan natin ‘yung mga boring marriages nila,” dialogue ni Maria. Na sinagot naman ni Anthony ng, “Gagawin ko ang lahat para matupad ‘yung pangarap mo, kasi ngayon, ikaw na din ‘yung pangarap ko, eh.”
Unang sumikat ang tambalan nina Maris at Anthony sa seryeng “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Narito ang mga comments ng netizens sa torrid kissing scene ng MaThon.
“Basta panonoorin ko to! gusto ko yung acting skills ni Maris.”
“I don’t agree with what they did in their personal lives. But, it has nothing to do with their jobs as actors. They are killing it in this movie. Love it. ”
“Wala akong paki sa mga isyu ng ibang tao basta ang alam ko nanunood lng ako.”
“Love ’em or hate ’em…you cant deny their chemistry.”
“I say, salute to Netflix for being so brave despite of the issue happened last year. I’ll continue to support them because of their craft as an artist, as one of the new gen rom-com love team, and that’s just it.”
“Learn to separate the art from the artist. This one’s oozing with chemistry and their acting’s on point. Will def watch.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.