Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa 'cheating' | Bandera

Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’

Therese Arceo |September 21,2021
facebook
share this

Fans ni Kim to the rescue matapos ang kontrobersyal na komento sa ‘cheating’

Therese Arceo - September 21, 2021 - 08:16 PM

MAINIT ang Kapamilya TV host-actress an si Kim Chiu sa social media matapos mag-viral ang naging comment nito ukol sa usapin ng “cheating”.

Napag-usapan kasi sa isa sa mga segment ng kanilang noontime show na “It’s Showtime” ang ukol sa cheating kung saan um-agree ang dalaga sa kasabihang “Once a cheater, always a cheater.”

“Baka nagche-cheat noong hindi siya naging masaya. Baka ano, bumukas ang mundo ng cheating dahil hindi siya masaya sa partner niya,” dagdag pa nito.

Dito nga ay tila sinupalpal ng Unkabogable star at co-host nitong si Vice Ganda ang naging pahayag ng aktres.

“Again, Kim Chiu, there’s no acceptable reason for cheating. Masaya or hindi masaya, walang kaso ‘yun to cheat. Hindi ka maaabswelto roon,” kontra ni Vice.

Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang comment ng dalaga na agad nag-trending sa social media.

May mga ilan na binash ang aktres at mayroon pang hinihiling na sana’y tuluyan nang tanggalin ang aktres sa noontime show.

Saad pa ng ilan, tila lutang palagi ang aktres sa show at kamakailan nga ay nagkamali rin sa bible verse na sinabi. Imbes kasi na John 3:16 ang sabihin ay Psalms 3:16 ang nabigkas ng aktres.

Agad namang dumipensa ang mga fans ni Kim at sinabing, “Dahil lang sa maling nasabi nahusgahan ka na agad like a bad person. We still love and support you no matter what.”

“Let me just say this lang po, Kim is not justifying cheating po. I get her point in that clip. What she’s trying to say is ‘yung hindi pagiging masaya sa iisang relationship ang nagiging way para sa isang tao na nasa loob ng isang relasyon na mag-decide mag-cheat,” comment pa ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tila may patutsada naman ang aktres sa mga isyu na naglalabasan ukol sa kaniya.

Nag-post ito ng picture sa kaniyang IG account na may caption na, “Be busy loving your life that you have no time for hate, anger, fear. Focus on the good the good gets better.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending