Alex Calleja pambatong jokes ang ‘butong pakwan’, ‘eye drops’, ‘lamay’

Alex Calleja at ang mga miyembro ng The Comedy Crew
GAGAWA ng kasaysayan ang komedyante at direktor na si Alex Calleja bilang unang Filipino comedian na magkakaroon ng comedy special sa Netflix.
Titled “Tamang Panahon,” mapapanood na ito simula sa February 7, sa naturang streaming service na isang bonggang milestone sa dalawang dekada ng kanyang career.
“Tingin ko ito na ang tamang panahon na lumabas sa Netflix para mas lumawak pa ang reach ng Pinoy stand-up comedy at mas marami pang maka-appreciate ng ganitong art form,” pahayag ni Alex sa presscon ng kanyang 2-part comedy show.
Nang matanong kung paano ang naging atake niya sa “Tamang Panahon”, “Mas gusto kong mag-focus sa mga topics na hindi nangti-trigger o maghahati ng crowd.”
Baka Bet Mo: Gretchen Ho ‘inisnab’ si Alex Calleja, komedyante nag-rant: Bakit siya ganun?
Para kay Alex, bago pa lang daw talaga stand-up comedy sa bansa kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Asia.
“Nililigawan pa din natin ang audience. Kaya ang objective talaga ay mapatawa mo sila kesa mang-shock lang o maging controversial,” aniya pa.
Ibinahagi rin ng komedyante ang pagsisimula niya sa stand-up comedy noong 2007, “Halos walang tao sa mga open mics namin noon. Minsan ‘yung madadatnan mo nagmi-meeting pa.”
View this post on Instagram
Hanggang sa makilala na nga siya sa live act shows at theater events sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasama ang iba pang kapwa stand-up sa kanilang grupong The Comedy Crew.
Nagpe-perform din sila sa corporate events, mga kasal at sa iba pang espesyal na okasyon, “The usual stand-up ko, tawag lang sa akin mainstream kasi very relatable ‘yung jokes ko.
“Ang lagi kong tina-topic ‘yung madali lang i-absorb kasi naniniwala ako na ‘yung stand-up namin parang nanliligaw pa lang kami sa Filipino audience.
“Kaya as much as possible, para mas madami akong ma-reach na audience, from all walks of life, ang topic ko lang very basic, butong pakwan, eye drops, lamay,” kuwento pa ng komedyante.
Inamin ni Alex na challenging pero rewarding ang paggawa ng comedy show para sa Netflix, “Medyo mababa talaga ‘yung chances na ma-accept sila (Netflix), so nu’ng gumawa ako, buti na lang tinanggap! Pinitch ko ’to.”
Kinunan ang show bilang birthday special niya noong October 4 at 5, “Sabi kasi, at least dalawa gawin mo, dalawang magkaparehong set para maganda ‘yung material. And luckily, parehong maganda resulta.”
After editing, ipinasa na ito ni Alex sa Netflix last November, “Tapos nag-email sila sa akin after one week. Ang sabi pa sa akin, ‘Can I call you at 1 p.m.?’
“Sabi ko, bakit kailangan pang tawagan kung ano lang? ‘Pag tawag sa akin, ang opening nila, ‘Alex, hindi talaga kami open, but we like your special so we’ll give this a chance. February 7 is your (showing date).’
“Tagalog siya pero may subtitle. Pero very generic ‘yung topic, about relationships. Makaka-relate yung mga Pinoy sa ibang bansa. Papalabas ‘to sa Asia, New Zealand, Australia,” aniya pa.
Samantala, magkakaroon din ng series of shows si Alex sa USA on April 4 to April 13; Canada on May 23 to June 8; at sa UAE, Australia, at New Zealand (dates to be announced).
Aside from this, may show din ai Alex sa Singapore ngayong February with The Comedy Crew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.