John Amores nagtuturo sa mga aspiring basketball players

John Amores may bagong career, nagtuturo sa aspiring basketball players

Therese Arceo - March 08, 2025 - 11:34 PM

John Amores may bagong career, nagtuturo sa aspiring basketball players

NAKAHANAP na ng bagong paglilibangan at bagong pagkakakitaan ang dating NorthPort cager na si John Amores.

Sa isang Facebook post ay ibinandera ng basketbolista anf pagbubukas niya ng basketball clinic sa Laguna.

Ito na ang bagong pagkakaabalahan ni John ngayon at sa mga susunod na taon.

Npaso ang kanyang lisensya sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos siyang masangkot sa isang insidente.

Baka Bet Mo: John Amores ibinenta ang jersey at sulat ni VP Sara kay Boss Toyo

“Meet me at AA Basketball Camp. Open na po tayo sa mga interesado. Located at CLA Mall Pagsanjan, Laguna,” saad ni Amores.

Ilan sa mga alok na services sa kaniyang basketball camp ay ang fundamental at skill development drills, basketball scrimmages, at agility at physical conditioning.

Matatandaang nasangkot ang basketbolista sa isa umanong shooting incident sa Lumban, Laguna noong September 2024 kasama ang kaniyang kapatid.

Sumali kasi si John sa isang lokal na liga kung saan nagkaroon siya ng hindi pagkakaintindihan sa isa sa kanilang kalaro.

Ang away nila ay lumala at nauwi sa pikunan hanggang sa nagdesisyon ang basketbolista na habulin ang nakaalitan.

Nakapagpiyansa na sina John at ang kapatid niya pero nahaharap pa rin sila sa reklamong attempted homicide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

December 2024 naman nang tuluyang magbaba ng desisyon ang Games and Amusement Board (GAB) kung saan binawi nila ang kanyang professional license.

Dahil dito, hindi na makakalaro sa PBA at iba pang professional leagues si John.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending