John Amores ibinenta ang jersey at sulat ni VP Sara kay Boss Toyo

John Amores ibinenta ang jersey at sulat ni VP Sara kay Boss Toyo

Therese Arceo - January 14, 2025 - 08:09 PM

John Amores ibinenta ang jersey at sulat ni VP Sara kay Boss Toyo

DUMAYO ang controversial basketball player na si John Amores sa tindahan ng kilalang social media personality at negosyanteng si Boss Toyo.

Sa episode ng “Pinoy Pawnstars” na ipinalabas nitong Sabado, January 11, dumulog ang basketbolista para ibenta ang kanyang jersey at sulat mula sa bise presidente na si Sara Duterte.

Ang jersey na dala ni John ay ang kanyang Jose Rizal University (JRU) jersey na suot niya nang magwala ito at manapak ng kapwa player na mula sa College of Saint Benilde sa naganap na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 noong November 2022.

Baka Bet Mo: Nanay ng biktima ni John Amores sumugod sa pulisya

Ito rin ang naging dahilan kung bakit siya napatawan ng indefinite suspension sa paglalaro. Matapos nito ay nakatanggap siya ng sulat mula kay VP Sara na naglalaman ng payo sa kanya matapos siyang kuyugin ng mga bashers.

Nais sanang ibenta ni John ang jersey at sulat mula kay VP Sara sa halagang P200,000 ngunit hindi pumayag si Boss Toyo at tumawag ito ng eksperto na siyang kikilatis kung magkano nga ba ang dapat na halaga ang mga items na dala ng basketbolista.

Matapos ang negosasyon ay nagkasundo ang dalawa at naibenta niya ito sa halagang P67,500.

Humingi pa nga ng pirma si Boss Toyo para sa dalawang item na ibinenta sa kanya ni John.

Matatandaang umingay ang pangalan ng basketbolista nitong 2024 matapos ang umano’y pamamaril nito sa kanyang nakalaro ng basketball sa Laguna.

Dahil rin sa nangyaring insidente ay natanggalan siya ng professional license sa paglalaro ng basketball.

Kuwento ni John, habang wala pa siyang trabaho ay gagamitin niya ito sa pagnenegosyo.

Papangalanan rin daw niya ang negosyong lechon manok na “Amores Mapapa-knockout.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balak rin daw ni John na mabawing muli ang kanyanh JRU jersey kapag siya ay nagkapera na.

“Sana mabalikan ko ‘yung jersey pagdating ng panahon. Kahit papaano, kahit tumaas, mabawi ko siya. Siyempre mahalaga pa rin sa akin ‘yun,” lahad ng basketbolista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending