Alex Calleja na-hurt nang sabihang ‘nagnakaw’: Nakarating sa anak ko, eh!

Jo Koy at Alex Calleja
NA-HURT nang bonggang-bongga ang actor-stand up comedian na si Alex Calleja matapos akusahan ng isang writer ng pagnanakaw sa kanyang “carwash joke.”
Feeling niya, hindi tamang sabihan siya na “nagnakaw” ng material na ginamit niya sa kanyang comedy show na napapanood ngayon sa Netflix.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Alex na hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkakapareho ang content ng mga writer at komedyante.
“Yes. Common, lalo na kay Jo Koy. Mahirap kasi dapat, huwag kopyang kopya, word for word. Mahirap ‘yon, nakaw talaga ‘yon.
“Pero ‘yung daplisan, premise, because ang daming premise, okay lang ‘yon,” sey ni Alex.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan shookt nang biglang nakawan ng halik ng babaeng fan
Dagdag pa niya, “Kapag daplisan ang premise, meaning pareho kayong nagbitaw ng ‘car wash,’ pero iba naman talaga ‘yung mga wording, ‘yung delivery. Ang laki ng mundo eh, may madadaplisan talaga.”
Ipinunto ng komedyante na sa ganitong isyu, hangga’t maaari ay iwasan ang magparatang sa iba na “nagnanakaw” ng content.
View this post on Instagram
“Pero iniiwasan namin ang salitang ‘nakaw.’ Masakit doon, ‘Nagnakaw’ eh. Nakaw talaga ang word na iniiwasan namin. Nakarating ‘yon sa anak ko,” aniya.
“Puwede namang ‘Uy may similarity tayo,’ puwede namang in a nice way, puwede kayong mag-usap. Pero mahirap ang nakaw kasi hindi natin alam kung sino talaga ang nagsimula (pinagmulan ng joke),” paliwanag pa ng dating writer sa “It’s Showtime.”
Humingi na ng paumanhin ang comedy writer na si Chito Francisco na nag-akusa ng pagnanakaw ng materyal o piyesa kay Alex at tinanggap naman ito ng komedyante kasabay ng babala ng cyber libel mula sa kanyang abogado.
“Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo.
“Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media.
“Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na ‘nagnakaw ng jokes’ pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang ‘ang punong hitik sa bunga ay binabato.’ O, hindi po ako ang original niyan,” Calleja said in an earlier post.
“Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw. May cyber libel po tayo at hindi ‘yun joke. Remember, I have a friend,” ani Alex sa nauna niyang pahayag.
Narito naman ang public apology ni Francisco: “What I said was wrong, and I would like to minimize the extent of the damage already suffered by Alex caused by my negligence to the best that I can.
“I know what I had said has civil and criminal implications and penalties, which I hope in writing this public apology and posting it, can show my remorse and (acknowledgment) of my irresponsible act against Alex.
“I hope that this public statement will peacefully end the issue and settle the matter between me and Alex once and for all.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.