Brod Pete sa isyung nakawan ng joke: Channel lang tayo

Brod Pete sa isyung nakawan ng joke: Channel lang tayo

Therese Arceo - February 21, 2025 - 05:32 PM

Brod Pete sa isyung nakawan ng joke: Channel lang tayo

PARA sa komedyante at comedy writer ng ilang dekada na si Brod Pete, walang ibang nagmamay-ari ng mga jokes kundi ang Poong Maykapal.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” ay nai-guest ang komedyante kung saan napag-usapan nila ang pagiging parte ng comedy industry.

Dito ay nahingan ng pahayag ni si Ogie ang komedyante at writer na si Brod Pete hinggil sa nagdaang issue noon tungkol sa nakawan ng joke.

“Ako ha, ito ang pananaw ko dyan. Kami, tayo, channel lang tayo. Hindi atin ang jokes. Nakikiraan lang sa atin.

Baka Bet Mo:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mayroong source yan (sabay turo sa taas). Yun ang paningin ko dyan. So walang makakaangkin. Nandyan lang sa source yan. To God be the glory. Ang tingin ko si Hesus,” saad ni Brod Pete.

Aniya, dapat raw ay ibinabahagi ang joke para mas ma-enjoy ng nakararami.

Lahad ni Brod Pete, “Kasi ang tingin ko kapag ginamit mo ‘yan, shini-share mo, hindi mo ninakaw. ‘Yang jokes are meant to be shared, to be enjoyed by as many people. Kapag pinabayaan mo na iyqa, it belongs to the world. Kapag binitawan mo na ‘yun, wala nang may-ari nun.

Kung gusto mong ikaw ang may-ari nun, wag mong bitawan. Enjoyin mo. Doon ka sa kwarto mo. Tumawa ka nang tumawa para walang makanakaw. Sayong-sayo ‘yun.

Natanong naman si Brod Pete kung naranasan na ba niya ang manakawan ng joke sa tagal na niya sa industriya. Mayroon na rae ngunit hindi niya ito alintana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Proof ‘yun na nakakatawa nga kasi tingin ko nakakatawa to e. Shinare mo tapos tinutulungan mo pa akong i-share ‘yung joke kasi yun ang intensyon ko e. May sariling buhay ang joke. Kapag binitawan mo, pasa pasa na yan. Parang kanta, may life. Kapag maganda, laging kinakanta. ‘Yung joke kapag laging dini-deliver.

“Walang expert, tandaan n’yo. Matatanda na kami pero hindi kami expert, at least sa pananaw ko a. For 44 years, puro comedy lang ang ginawa ko. So wala pong expert. Maniwala kayo.

“‘Yung expert, ibig sabihin nun lahat ng sabihin niya nakakatawa. Lahat ng gawin niya, nakakatawa. Walang ganoon. Kami di namin kini-claim ‘yun. Pinakamatagal lang kami,” sey pa ni Brod Pete.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending