Alex Calleja rumesbak, may resibo na sariling gawa ang joke

Alex Calleja rumesbak, may resibo na sariling gawa ang joke

Therese Arceo - February 13, 2025 - 02:37 PM

Alex Calleja rumesbak, may resibo na sariling gawa ang joke

PUMALAG ang stand-up comedian na si Alex Calleja sa paratang sa kanya ni Chito Francisco na “pagnanakaw” umano ng carwash joke.

Ang isyung ito ay lumabas matapos magpatutsada ni Chito sa kanyang Facebook page sa umano’y napanood niyang palabas sa Netflix na gumamit raw ng kanyang joke.

“Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand-up comedian. Ginamit yung isang joke ko. Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin,” sey ni Chito.

Baka Bet Mo: Chito Francisco may parinig kay Alex Calleja, ninakawan raw ng joke?

Bagamat walang sinabing pangalan ay tila tumutukoy ang kanyang pahayag kay Alex Calleja at sa kanyang “Tamang Panahon” comedy special na namamayagpag ngayon sa naturang streaming platform.

Naglabas pa nga siya ng resibo na September 2019 nang ibahagi niya ang joke.

Agad namang pinalagan ni Alex pati na rin ang mga tagasuporta nito na matagal na niya itong piyesa.

Sa kanyang Facebook post ay binasag na ng stand-up comedian ang kanyang katahimikan hinggil sa isyung lumalabas sa pamamagitan ng paglalabas ng resibo o screenshots kung kailan niya ito unang ibinandera sa publiko.

Lahad ni Alex, “Post ko lang dito ang carwash joke ko since 2011 na nagawa ko ng writer ako sa Usapang Lalake at Goin’ Bulilit. Sa Goin’ Bulilit kasi, may topic ang bawat gags at carwash ang topic namin.

“Hindi ata ito nasama sa final draft kaya ginamit ko sa standup at pinost sa social media ng 2011. Check niyo po ang screenshots. Sorry po wala pa ako masyado followers niyan.”

Ani Alex, lagi raw niya itong binibitawan kaya naging favorite na rin ito ng kapwa writer niyang si Raymond Dimayuga.

“Nagpapasalamat ako sa pag acknowledge niya sa akin ng 2015 at 2016. Search niyo po sa FB, alex calleja at carwash.

“Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo. Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media,” sey ni Alex.

Dagdag pa niya, hindi raw niya alam kung anong intensyon sa pagpo-post pero nagbigay siya ng babala na maging maingat sa pagpapatutsada sa ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na ‘nagnakaw ng jokes’ pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang ‘ang punong hitik sa bunga ay binabato’ O, hindi po ako ang original niyan.”

“Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw, may cyber libel po tayo at hindi yun joke. Remember, I have a friend…” chika pa ni Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending