Gretchen Ho 'inisnab' si Alex Calleja, komedyante nag-rant: Bakit siya ganun? | Bandera

Gretchen Ho ‘inisnab’ si Alex Calleja, komedyante nag-rant: Bakit siya ganun?

Therese Arceo |December 07,2022
facebook
share this

Gretchen Ho ‘inisnab’ si Alex Calleja, komedyante nag-rant: Bakit siya ganun?

Therese Arceo - December 07, 2022 - 09:46 PM

Gretchen Ho 'inisnab' si Alex Calleja, komedyante nag-rant: Bakit siya ganun?
ISANG parody ang ginawa ng event host at comedian na si Alex Calleja at TV host-anchor na si Gretchen Ho patungkol sa “pang-iisnab” na tila trending ngayon.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang hindi pagbati sa kanya ng dalaga at dating volleyball player.

“Nagulat ako kasi hindi man lang ako pinansin ni Gretchen Ho Kahit kaway o hello man lang!” saad ni Alex.

Makikita sa video na in-upload niya na tinawag niya ang TV host-anchor ngunit tila wala itong narinig at dire-diretso lang sa paglalakad.

May ginamit pa ngang hashtag si Alex na “#MayManiniwalaDitoPustahan”.

“Gretchen, pansinin mo naman…. Gretchen! Gretchen kahit kaway lang, Gretchen! Gretchen! Gretchen Ho! Gretchen Ho!” sey ng komedyante habang nagbi-video.

Nang tuluyan na nga siyang hindi pansinin ay tila nangingiyak si Alex sabay sabing “Bakit sila ganun? Bakit siya ganun? Ang tagal kong naghintay rito.”

Ni-retweet naman ni Gretchen ang naturang tweet ng komedyante.

Depensa niya, “Naka airpods ako [peace sign].”

Maging ang mga netizens ay nakisakay sa trip ng dalawa.

“Attitude Yan SI Gretchen Ho. Kailangan turuan Ng GMRC Anu ba naman Yung simpleng Hi,” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Grabe naman si @gretchenho [laughing emoji] Attitude [laughing emoji] Sinong coach nyan????[peace sign emoji].”

“Hindi ka na nga pinansin pinost mo pa? Konting privacy din. Lubayan mo si Ms. Gretchen! I stand with her. Char! Eme lang haha,” hirit pa ng isa.

May ilan naman na tila naniwala sa good vibes video na ginawa ng dalawa at hindi naintindihan ang sarcasm sa post.

“Naka airpods din ba yung mata para di makita yung mga kumakaway kaway na mga tao…lalo na kung kakilala????” sey ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Nung UKG at parang nasa waiting room ka, tinatawag ka namin pero dedma mo kami. Wala kang airpods nun. SKL. Haha. Unlike ibang hosts na mas matagal na dun like tyang amy and atom, nag-smile at nag-hi back. (staff din kami, ibang dept nga lang).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gretchen Ho (@gretchenho)

Matatandaang tila trending ang mga “isnaban” moments kamakailang gaya na lang ang diumano’y pangdededma ng volleyball player na si Deanna Wong sa fans pati na rin ang hindi pagpansin ng dalawang artista sa actress-comedienne na si Tuesday Vargas.

Related Chika:
Gretchen Ho may pa-tribute sa nagbabalik na driver: Dami naming pinagsamahan nito…bawat heartbreak, tagumpay at big break!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Calleja durog na durog sa bashers, pinatatanggal bilang hurado sa Miss Q&A ng ‘Showtime’

Malisyosong netizen supalpal kay Gretchen Ho: Grabe, di ba? Ang lala at ang bastos!

Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending