Malisyosong netizen supalpal kay Gretchen Ho: Grabe, di ba? Ang lala at ang bastos!
Stephen Curry at Gretchen Ho
NABASTUSAN at na-offend ang TV host na si Gretchen Ho sa ilang comments ng netizens sa ipinost niyang litrato sa social media kasama ang sikat na sikat na NBA player na si Stephen Curry.
Hindi pinalampas ng TV5 sports reporter ang ilang malilisyosong komento ng ilang followers niya sa Twitter tungkol sa pagpo-post niya ng fan photos kasama ang NBA players.
Inamin ni Gretchen na madalas niya itong nararanasan at madalas ay hindi na lamang niya pinapatulan ang mga kabastusan na nababasa niya sa socmed.
Pero kahapon, Dec. 16 sa kanyang Twitter account tila hindi na nakapagpigil ang TV host at talagang ni-repost ang natanggap niyang direct message sa Instagram mula sa isang IG user.
May konek nga ito sa ipinost ni Gretchen na litrato sa Twitter kasama ang NBA star player na si Stephen Curry na miyembro ng Golden State Warriors team.
“My Game-Changer (ok hand sign emoji and goat emoji) Stephen Curry. 2974. Greatest. Shooter. Of. All. Time. #1 in 3-pointers made. (GsOAT?!!) o hayan (winking face with tongue emoji),” aniya sa caption.
Ito naman ang laman ng direct message ng netizen sa dating volleyball player at ngayon nga ay isa nang sportscaster, “Hey Gretchen, I hope you’re doing well. Advice ko lang sayo is don’t ride the C*CK CAROUSEL okay? It will damage you emotionally and mentally.”
Ayon sa TV host, bakit daw may mga taong malisyoso kung mag-isip at ang bilis manghusga ng kapwa sa pamamagitan lamang ng litrato.
Reaksyon naman dito ni Gretchen, “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened I have gotten this so many times. Pwede ba.”
Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened ⤵️
I have gotten this so many times.
Pwede ba 😤😤😤 pic.twitter.com/Ad3ffwtF0k— Gretchen Ho (@gretchenho) December 16, 2021
Marami naman ang nakisimpatya sa dalaga kabilang na ang TV host na si Cesca Litton na madalas ding binabastos at ginagawa ng malilisyosong kuwento ng bashers.
Pahayag ni Cesca, “I hosted an event with an international celeb guest a while back and someone posted a comment on the pic saying “k*n*nt*t mo yan?
“Some people really think they get a free pass for saying disgusting things if it’s on the internet. Their time will come,” sabi pa ng TV host.
Nireplayan naman siya agad ni Gretchen, “Grabe di ba? I’m sure this happens more often than people notice. Ang lala at ang bastos.”
Samantala, sinagot din niya ang isang netizen na nagsabing, “So with you sayin’ that, why you let it still affect you? As you said…..for years. Just continue being smart …continue ignoring it. The moment you react to situation like this, you are simply feeding them up to continue. Just continue ignoring.”
Sey ni Gretchen sa kanya, “Did you see me reply to the actual message? I didn’t right. There’s a purpose for it every time I speak. Di lang naman ako nagpost dito para lang “magcomplain”. I’m calling the behavior out. Silence isn’t always the answer. Thanks for your concern. GB.”
Game-Changer @StephenCurry30 👌🏻🐐 pic.twitter.com/3BUs4aD2ue
— Gretchen Ho (@gretchenho) December 15, 2021
https://bandera.inquirer.net/286152/nba-conference-semifinals-phoenix-ibinaon-ang-denver-3-0-philadelphia-umabante-kontra-atlanta-2-1
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.