Hirit ni Willie kay Gretchen Ho: Gusto mo tayo na lang?!

Hirit ni Willie kay Gretchen Ho: Gusto mo tayo na lang?!

Ervin Santiago - July 14, 2024 - 11:16 AM

Hirit ni Willie kay Gretchen Ho: Gusto mo tayo na lang?!

LANTARAN ang ginawang “pagpo-propose” ni Willie Revillame sa broadcaster at dating atleta na si Gretchen Ho.

Aliw na aliw kami sa palitan ng hugot at punchlines nina Willie at Gretchen sa programang “Seryosong Usapan: Willie Revillame Faces the Journos” na napanood sa TV5 kamakailan.

Nakachikahan ni Gretchen ang veteran TV host kasama ang iba pang host ng show, sina Ed Lingao, Lourd De Veyra, at Patrick Paez. Ito’y para sa promo ng bagong programa ni Willie sa TV5, ang “Wil To Win” na may bonggang pasabog na ngayong Linggo, July 14.

Sa isang bahagi ng show, napag-usapan ang tungkol sa estado ng personal na buhay ni Willie at ang pagiging binata pa rin nito hanggang ngayon.

Sabi ni Gretchen, “Huwag na rin akong mag-asawa, ‘no?” Na agad sinagot ni Willie ng, “Gusto mo tayo na lang?”

Baka Bet Mo: Willie Revillame papasukin na nga ba talaga ang politika?

Natatawang sey pa ng komedyante, “E, kasi pati ikaw, nadadamay ka, ayaw mo mag-asawa. Depende, mamaya magustuhan kita, magustuhan mo ako.”

Hirit naman ni Gretchen sa kanya, “Dapat ba akong umiwas sa mga tulad ninyo?”

Tugon ni Willie, “E, ba’t ka iiwas sa tao na may magandang puso? Ba’t ka iiwas sa taong hindi ilegal ang ginagawa? Legal ang ginagawa, mahal ng mga mahihirap Ba’t ka iiwas sa taong mabuti ang hangarin?”

Sundot na tanong naman ni Lourd kay Willie kung ano ang puwede niyang ialay sa isang babae, “Maging masaya lang siya. Happiness.”

Sumingit uli si Gretchen at tinanong si Willie, “Paano kung gusto ko ng loyal, committed?”

“Bibigyan kita ng Loyal Tru-Orange,” ang natatawang biro ng TV host kaya tawanan uli ang mga host ng show.

Sey uli ni Willie, “Kunyari, tayong dalawa ang magsyota. Bago, di ba, syota? E, kung mabait ka sa akin, ba’t kita sasaktan?”

Reaksyon ni Gretchen, “So, ibig sabihin, hindi naging mabait sa yo?

Sagot ni Willie, “Hindi naman. During that time, hindi pa ako handa. Ngayon, palagay ko, at my age, going 64, magloloko pa ba ako?”

Baling na tanong niya kay Gretchen, “Ba’t ba ang mga tanong mo tungkol sa pag-ibig? Malungkot ka ba, Gretchen?”

“Masayang-masaya!” sagot ng dalaga.

“May boyfriend ka ba?” tanong uli ni Willie na sinagot ni Gretchen ng, “Wala! Masayang-masaya akong mag-isa kasi ayoko ng sakit sa ulo, e. Kasi baka magkasal tapos hihiwalay lang.”

“Ginagaya mo lang ako, e. Hindi sakit sa ulo ang boyfriend. Maghanda ka na. Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?” sabi ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Gretchen, “Mas matangkad sa akin.”

“Pisikal ka pala, e. Kapag may abs, walang pera yan kasi laging nasa gym, e. Kapag may konting tiyan, maganda ang future mo diyan!” sabi uli ni Willie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending