Willie Revillame papasukin na nga ba talaga ang politika?
INAMIN ng TV host at entrepreneur na si Willie Revillame na nawalan na siya ng ganang pasukin ang mundo ng pulitika.
Ito ay dahil sa kaliwa’t kanang bangabwy nq natutunghalan sa mga public servants ng bansa.
Sa episode ng “Seryosong Usapan” kung saan sumalang si Willie ay nagkaroon sila ng no-holds barred conversation ni Gretchen Ho kasama sina Ed Lingao, Patrick Paez at Lourd De Veyra sa TV5.
Dito ay nausisa ang TV host kung papasukin na ba talaga niya ang mundo ng politika dahil kung matatansaan ay sinabi niya kamakailan na handa na siyang tumakbo bilang senador sa paparating na midterms election sa susunod na taon.
Baka Bet Mo: Request ng fans kay Willie Revillame: Aircon na lang ang ipamigay wag ng jacket
View this post on Instagram
Ani Willie, parang nawalan na raw siya ng amor dahil sa mga napapanood kamakailan sa mga Senate at Congress hearings.
“I’ll be honest, nanonood ako ng senate hearing… inilalagay ko ‘yong sarili ko what if nandiyan ako, anong magagawa ko, pero ‘pag nakikita kong nag-aaway at nakikita kong parang walang unity, parang naffu-frustrate ako.
“Ang sinasabi ko, ‘pag nagkakampanya, magkakasama tayong lahat, ‘pag nangangampanya puro pangako ang ginagawa natin sa tao pero kapag nakaposisyon ka na, nag-iiba na ang lahat. That is my opinion,” saad ni Willie.
Para sa kanya kasi ay hindi natatapos sa pangangampanya ang pagseserbisyo.
Matatandaang noon ay inalok na rin si Willie na tumakbo bilang senador dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa at kulang pa ang kanyang kaalaman para gampanan ang tungkulin bilang mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.