Request kay Willie: Aircon na lang ipamigay wag ng jacket

Request ng fans kay Willie: Aircon na lang ang ipamigay wag ng jacket

Ervin Santiago - April 29, 2024 - 06:20 AM

Request ng fans kay Willie: Aircon na lang ang ipamigay wag ng jacket

Willie Revillame

MAY bonggang request ang mga fans and supporters ni Willie Revillame sa pagbabalik niya sa mundo ng telebisyon very, very soon.

Kamakailan ay pumirma na nga ang TV host sa joint venture at partnership nila ng MediaQuest Holdings at MQuest Ventures na pagmamay-ari ni Manny Pangilinan.

Sa bagong collaboration na ito ay muli ngang mapapanood si Willie sa TV5 makalipas ang mahabang panahong pamamahinga sa telebisyon.

Wala pang official announcement ang kampo ni Willie pati na ng TV5 at MediaQuest Holdings kung ibabalik ba ang dating show ng TV host sa GMA 7 na “Wowowin” o papalitan na ito ng bagong titulo.

Baka Bet Mo: Bakit ‘bawal’ nang maglabas si Karen Davila ng mga Presidential interview sa kanyang vlog?

Hindi pa rin malinaw kung may iba pang programang gagawin ang TV host sa pagbabalik niya sa Kapatid Network.

May chika rin na magiging ka-back-to-back ng “Eat Bulaga” nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5 ang gagawing programa ni Willie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TV5 (@tv5manila)


Kung matatandaan, bago naganap ang pirmahan sa pagitan ni Willie at ng TV5 ay napabalitang sa government-owned networks na IBC-13 at PTV-4 na mapapanood ang “Wowowin” pero hindi na ito natuloy.

Samantala, may special request naman ang mga netizens kay Willie sa pagbabalik niya sa TV5. Sana raw sa halip na jacket ang ipamigay nito sa kanyang show ay iba na lang ang ipamudmod niya.

Baka Bet Mo: Kris Aquino, Bongbong Marcos napagbati ni Lolit Solis noon: Shocked pa nga si Tita Cory ng lumabas sa news

Mas okay at napapanahon daw kung electric fan at aircon ang ipamigay nito  sa mga contestant at studio audience dahil nga sa patuloy na pag-init ng panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, may point naman ang mga netizens sa gusto nilang mangyari. Ha-hahaha! Abagan na lang natin kung pagbibigyan ni Kuya Wil ang inyong hiling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending