Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us
LABIS ang lungkot na nadarama ng TV host at dating volleyball player na si Gretchen Ho sa pagkamatay ng kanyang ama na si James Ho.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng ama habang abala ito sa pag-cheer sa kanyang volleyball game.
“Panalo na tayo (We already won). Love you dad. You will live on in us. Rest easy,” saad ni Gretchen.
Makikita sa kanyang Instagram stories ang ilang sa mga moments nila together bago pa man ang paglisan ng kanyang ama gaya ng larawan kung saan hawak niya ang kamay ng nito habang nasa ospital at ang sulat nito kung saan hinihiling nitong maiuwi na ng kanyang pamilya.
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ni Gretchen ang unforgettable memories kasama ang kanyang daddy.
“Got a new car recently because I needed it for my show. Dad was so happy to be in a van again. We had sold ours after high school,” pagbabahagi ng dalaga.
Sey pa ni Gretchen, “He drove my van around the village. This was his last time to drive before getting really sick. So happy I got to experience this with him.”
Ibinandera rin ng TV host ang larawan ng kanyang ama habang ginagawa nito ang paboritong hobby na mag-basketball kung saan suot nito ang regalo niyang sapatos.
“UA shoes I gave him haha. He couldn’t let go of his favorite hobby even with his heart problem haha,” lahad ni Gretchen.
Nitong nakaraang Miyerkules, November 9 nang pumanaw ang kanyang ama sa edad na 65.
Bagamat hindi sinabi mi Gretchen ang rason ng pagpanaw nito, nabanggit naman niya na bago pa mang ang pagkamatay ng kanyang ama mayroon na itong problema sa puso.
Related Chika:
Malisyosong netizen supalpal kay Gretchen Ho: Grabe, di ba? Ang lala at ang bastos!
Gretchen Ho, Hidilyn Diaz ‘shookt’ sa pagkakadawit sa matrix ni Bikoy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.