Bakit na-bad trip ang ilang fans ni Kris kay Gretchen Ho?
HINDI nagustuhan ng ilang fans and social media followers ni Kris Aquino ang pakikipagpalitan ng mensahe ni Gretchen Ho kay Atty. Gideon Peña sa pamamagitan ng Instagram.
Wrong timing daw kasi ang TV host at dating volleyball player kaya naimbiyerna sa kanya ang ilang IG followers ng Social Media Queen.
Nali-link ngayon si Atty. Gideon kay Kris at marami ang boto sakaling magkaroon man sila ng relasyon kaya nang mag-post ng message si Gretchen para sa abogado ay na-bad trip ang ilang netizens.
Kasama ni Kris at ng kanyang dalawang anak si Gideon sa pagbabakasyon nila sa Japan kung saan sila nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
Biro ni Gretchen kay Gideon, “Uwi naaaaaaa!” Na sinagot naman ng abogado ng, “Teka, ume-emote pa kami dito (smiley emoticons).”
Isang netizen ang nag-comment ng, “@gretchenho no hate… just saying. Give some respect Ms. Gretchen Ho. Atty. Gid, is on vacation with the Aquino Family. Just focus to improve your TV hosting in your morning show in ABS CBN. Kesa magpa-uwi sa taong nagbabakasyon. Love Love Love.”
Sinagot agad ito ni Atty. Peña at ipinagtanggol ang Umagang Kay Ganda segment host, “Walang sinabing masama si @gretchenho. It was just a playful banter between friends.”
Marami pa ang nang-okray kay Gretchen kaya sinagot na rin sila ng dalaga, “We are all friends. All peace and love Happy new year!”
Hirit pa ni Gideon, “We were actually supposed to go home today. Kaya timing yung joke.”
Samantala, isa pang follower ng abogado ang nagsabi na sana’y sila na lang ni Kris ang magkatuluyan, pero ang pakiusap nito, “Huwag na natin ipilit pls.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.