Willie naiyak nang mamaalam sa Wowowin; ibinandera ang Wil To Win
SA isang sorpresang Facebook Live, inanunsyo ni Willie Revillame ang title ng magiging comeback show niya sa TV5, iyan ay ang “Wil to Win.”
Ang rebranding ng kanyang social media pages mula “Wowowin” patungong “Wil to Win” ay tanda ng kanyang exciting na pakikipagsanib-puwersa sa MQuest Ventures, Inc..
Makikita sa mismong bagong logo ng kanyang programa na handang-handa na si Kuya Wil na maghatid ng mga sorpresa at papremyo sa sambayanang Filipino.
Suportado ng “Wil to Win” ang hangad ng bawat Pinoy na magsumikap at magtagumpay sa buhay. Naniniwala si Willie sa mga katagang, “Pag may Wil to Win, lahat kayang gawin!”
Baka Bet Mo: True ba, hindi na ni-renew ng GMA ang kontrata ng ‘Wowowin’ ni Willie kaya lilipat na sa TV network ni Villar?
At bilang paghahanda sa pagbubukas ng bagong programa, pangungunahan ni Kuya Wil ang isang Grand WINference – isang interactive telethon sa June 20 kung saan mabibigyan ng chance ang mga fans at members ng media na magtanong kung ano nga ba ang kanilang dapat abangan sa bagong programa.
Mapapanood ang Grand WINference sa mga opisyal na social media account ng “Wil to Win” at TV5.
Sa ngayon ay wala pang ina-announce kung kailan ang eksaktong petsa ng pagsisimula sa ere ng “Wil to Win.”
“Magsisimula po ang programa ng araw ng Linggo. Kung anong date po, abangan ninyo. Alam ninyo kung bakit, it’s family day. Yung Linggong yon, makakasama namin kayo.
“Pagkatapos ng Linggo, tuluy-tuloy na po. Magmula Lunes hanggang Biyernes, kasama ninyo na po ang bagong programa dito yan sa TV5,” aniya.
Hindi naman napigilan ng TV host ang maluha nang magpaalam na siya sa “Wowowin” na halos pitong taong napanood sa GMA 7 at pagkatapos mapanood ang music video ng kanta niyang “Salamat Sa Inyo.”
Mensahe ni Willie, “Salamat Wowowin. Sa lahat ng mga nagmahal po sa programang Wowowin, sa social media, sa Facebook, sa YouTube.
“Kahit wala akong TV show, nu’ng nawala ho ako sa GMA, nung nawala ako sa ALLTV, ni isa ho sa Facebook followers at subscribers sa YouTube, wala pong umalis. In fact, nadadagdagan pa kami araw-araw.
“Maraming salamat sa lahat ng mga nagmamahal sa programang Wowowin. For almost seven years, araw-araw namin kayong kasama sa GMA.
Baka Bet Mo: Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa ‘Wowowin’
“Maraming mga pagsubok, maraming nangyari. May luha ng kaligayahan, may luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman yon.
“Sorry ho naging emosyonal ako dahil mawawala na ho kasi si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin.
“For six and a half years, sinamahan ninyo ako araw-araw, Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7 po yan. Sa totoo lang, wala na akong TV show. araw-araw na sinasabi sa akin na wala ni isang umalis sa Facebook at sa YouTube. Naghihintay, nandiyan sila,” pahayag pa ni Kuya Wil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.