Mga co-hosts ni Willie Revillame, ipinakilala na sa publiko

Mga co-hosts ni Willie Revillame ipinakilala na, Ana Ramsey babu na sa ‘Showtime’

Therese Arceo - May 17, 2024 - 11:38 PM

IPINAKILALA na sa publiko ang unang tatlong “Win Girls” na makakasama ni Willie Revillame sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa TV5.

Ang tatlong magiging co-hosts ng TV host-comedian ay sina Queenay Mercado, Inday Fatima Kate Bisan, at Ana Ramsey.

Nitong Miyerkules, May 15, isang press conference ang naganap at sinabi ng tatlo na bukod sa kabila ay may dalawa pa silang makakasama nina Willie na talagang pasabog.

Nag-post na nga ang tatlo sa kani-kanilang Instagram post para magpasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanila na maging parte ng bagong TV program sa TV 5.

Baka Bet Mo: Willie nasa TV5 na ulit, ‘Wowowin’ tsinugi pero may bagong game show

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami naman ang nagulat na makita si Ana sa mga magiging co-host ni Willie dahil bago ang announcement ay parte ito ng mga hosts ng “Showtime Online U”.

Una na itong nag-post ng kanyang larawan kasama ang TV host sa kanyang IG.

“Excited to share that I’ve joined the MQuest Family! Stay tuned for upcoming projects #Kapatid [heart emoji] Maraming salamat @tv5manila,” saad nito sa caption.

Kanina ay ibinahagi na rin nito ang mga larawan na kuha sa kanilang contract signing.

At ang latest post ni Ana ay ang pagpapasalamat niya dahil sa mainit na pagtanggap at sa pagiging bahagi niya ng bagong show ni Willie.

“Maraming salamat sa tiwala at sa mainit na pag tanggap @tv5manila,” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat marami ang nanghinayang dahil wala na ito sa “It’s Showtime” ay marami naman ang excited para sa dalaga.

“Omg can’t wait to watch you on Wowowin Queen Ana [heart emoji] Masaya kami para sa yo for your new journey,” saad ng isang netizen.

Wala pa namang sinabi kung kailan na mapapanood ang comback TV show ni Willie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending