Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa 'Wowowin' | Bandera

Willie umaming nalugi ng P140-M dahil sa ‘Wowowin’

Reggee Bonoan - May 10, 2021 - 11:52 AM

ANG GMA 7 na pala ang producer ng “Wowowin” ni Willie Revillame matapos umanong umabot sa P140 million ang lugi ng programa simula nang umere ito.

Bago nagkuwento si Willie ay ipinakita muna niya ang studio ng “Wowowin” sa GMA kung saan madaling araw palang noon ay marami nang nakapila sa labas at doon na inaabutan ng agahan at pananghalian.

“Dito (sabay turo sa mga upuan) puno ng tao, diyan, doon. Nakaka-miss lang. Dati po kasi alas-singko palang ng umaga marami ng tao rito, naka-dyip, naka-bus, mga estudyante, ipinapaalala ko lang po sa inyo (viewers).

“Siyempre iba na ngayon ilan lang kami rito (sabay bilang sa daliri) wala pa kaming sampu, pero pag in-include mo naman ang LED boys siyempre. Naka social distancing po kami lahat naka-face shield, face mask talagang requirement po namin ‘yan.

“Anyway, nami-miss ko talaga ‘yung mga sigawan. Kumakain kami ng lunch diyan kasama ko mga co-host ko, sigawan diyan. Parang naging ano ho ito, eh, tourist spot (studio).  Excursion, kung baga sa beach dito.

“Bago kami mag-start nagsasayawan sila (studio audience) tapos nagpapa-picture sila sa (naunang logo na Kayo ang Bida Wowowin) more than a year ago.

“Nami-miss ko ‘yung sigawan, lalapitan ka, hahalikan ka ng matatanda, inaamoy ka ng mga lolo, lola, ‘Willie pambili ko lang ng gamot. Willie ‘yung apo ko bigyan mo ng ganito, pambayad ng kuryente, bigyan mo ako ng TV,” balik-tanaw ng TV host.

Nabanggit pa na nasa 800 ang seating capacity ng buong studio at inaalalayan ng mga marshal ang mga may edad na mula sa pag-akyat at pagbaba pati pagpunta nila sa banyo.

“Nagsimula po kami 5-10-2015, o May pala ngayon.  Anong date ngayon, May 7 (Biyernes). Mag-a-anibersaryo na pala tayo, 6 years na po kami!  Kaya pala bigla akong (naging sentimental),” sambit ng TV host.

At dito na niya naikuwento na sariling pera niya ang pang-produce niya bilang blocktimer.

“Nagsimula ako rito, May 10, ako ho ang nagpo-produce noon, ako. Pera ko ‘yun, every Sunday, 3:30-4:30 p.m.. Dumating ang time na after mga ilang linggo, sabi ko, stop ko na, dahil wala kasi akong marketing, eh. Walang nagbebenta ng programa.

“So, nalulugi. Umabot na sa point na P140 million po ‘yung nagastos ko na walang bumabalik.

“Kasi nagbabayad ho ako ng blocktime, eh, more than 2 million for 1 hour. Isipin n’yo sa 2 million, 2.2 yata, sa isang buwan ho, eh 8.8 million ‘yun. Wala ka pang ilaw.

“Kala n’yo, ganu’n kadali mag-produce. Wala ka pang bayad sa artist, wala ka pang bayad sa staff, sa gwardya, lahat. So, gumagastos ho ng 14 to 15 million a month ang programang Wowowin,” pagtatapat nito.

At dito na siya nagpaalam sa mga boss ng GMA na ayaw na niya at gusto na lang niyang manahimik sa Tagaytay kung saan siya nakabili ng malaking bahay.

“Nagpaalam na ako, and then, paalis na po ako, nag-eempake na ako, pupunta akong Tagaytay, doon na ako titira, magku-quit na ako sa showbiz,” say nito.

At dito na siya tinawagan ng isa TV executive ng GMA na si Joey Abacan na kung puwedeng mag-meeting sila. Inoperan siya ng 50% na lang ang bayad niya pero hindi na siya pumayag dahil mabigat pa rin ang nasabing porsiyento.

“Sabi ko, ‘out na ako, Joey, medyo mabigat na, more than 100 million na ang nagagastos ko na cash,’” sabi ni Willie sa GMA executive.

Dito na siya inalok na ang network na mismo ang magpo-produce kaya siya pumayag.

“Kinukuwento ko ho ito para malaman n’yo ‘yung totoong istorya ng Wowowin dito sa GMA-7, ‘yung pagpasok ko po dito. So, after nu’n, nagkaroon po ng Sunday Pinasaya, back to back ng Wowowin,” pagtatapat ni Willie.

Umarangkada kaagad sa ratings game ang “Wowowin” kaya muli siyang kinausap ng taga-GMA kung gusto niyang gawing daily ito.

“Sabi ko, ‘maganda ‘yan’ kasi, ang GMA, marketing at sales na po, sila na po kungbaga ang bahala sa commercials na napakalaking bagay na po sa akin kasi ho, natutulungan na ako, sobrang laking tulong,” kuwento ng TV host.

Naging 5-6 p.m. na mula Lunes hanggang Biyernes ang show hanggang sa kalaunan ay naging isang oras at kalahati at hanggang ngayon kahit may pandemya ay nangunguna pa rin sa kanyang oras ang “Wowowin” dahil hindi pa rin bumitaw ang lahat ng supporters niya mula nang magsimula siya 6 years ago.

“And then, ‘eto na po tayo. Sino ho ba ang mag-iisip na itong pandemya eh, magla-live pa kami?” sambit nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman nagpapasalamat siya sa GMA sa patuloy na pagtitiwala sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending