Yassi Pressman sinagot tuition fee ni ‘Baby Yassi’: Na-surprise ako!

Yassi Pressman at Baby Yassi
TUWANG-TUWA ang actress-TV host na si Yassi Pressman nang makilala ang isang batang babae sa Cebu na kapangalan niya.
Masayang ibinalita ng dalaga sa kanyang Instagram post ang pagkikita nila ng batang girl na nagngangalan ding Yassi nang bumisita siya kamakailan sa Cebu.
Makikita sa Instagram Reel ng aktres ang ilang kaganapan sa kanyang trip kabilang na nga ang pagpunta at pag-iikot niya sa palengke roon kung saan nakilala niya si “Baby Yassi.”
“Ako yung na surprise?! Yassi meets baby Yassi episode 3: isang masaya at nakakagulat na umaga sa Carbon market, Cebu City!
Baka Bet Mo: Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us
“Habang namimili (at nagpapa cute! haha) lumapit samin si mommy na may baby Yassi,” ang nakalagay sa kanyang caption.
Sey pa ng dalaga sa kanyang mensahe, “Unexpected special moments are simply the best.”
View this post on Instagram
“Salamat Carbon market, kay mommy at baby Yassi for making our Cebu trip extra memorable,” dugtong pa niya.
Sa pag-uusap nila ng bagets, nalaman ni Yassi na nasa Grade 1 na ang kanyang katukayo kaya naman sinorpresa niya ito ng bonggang regalo – sagot na niya ang tuition nito para sa next school year.
Sey pa ng aktres para sa lahat ng kapangalan niya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, “My goal is to meet you all.”
Matatandaang noong August, 2024 ay may nakilalang Grab driver si Yassi na may anak na kapangalan din niya.
“Commuter mode yesterday and what are the odds that I met kuya Josh, my driver yesterday, who named his daughter after me?!” aniya pa.
Dagdag pa niya sa kanyang post, “I cry!! The universe will always have a way of telling you that you are surrounded by so much love and I hope you guys feel that too.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.