Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us | Bandera

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

Therese Arceo |July 21,2022
facebook
share this

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

Therese Arceo - July 21, 2022 - 06:30 PM

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us
ITO na nga ba ang kumpirmasyon at simula ng pagsasapubliko ng TV host-actress na si Yassi Pressman sa kanyang relasyon sa Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira?

Nag-post kasi ang dalaga sa kanyang Instagram account ng larawan niya na kuha noong nasa Amsterdam, Netherlands ito kasama ang lalaking gondi masyadong kita ang mukha.

Makikitang tila nakahalik si Yassi sa pisngi ng lalaki na binabati niya ng maligayang kaarawan.

“HBD (Happy birthday) so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me,” saad ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think i’m kulit,” dagdag pa ni Yassi.

Bagamat walang binanggit na pangalan ang dalaga, isang IG user naman ang naka-tag rito na si @imjonnytsunami.

Kapag binisita ang account ng username ay makikitang kay Jon Semira ito.

Marami naman sa mga celebrities ang nagpaabot ng pagbati sa basketball player sa pamamagitan ng pagko-comment sa post ni Yassi.

“Happy birthday to the man whose muni bags make me jealous! Have an amazing one!!!” saad ni Iza Calzado.

Comment naman ni Kiefer Ravena, “Happy birthday, OG!!”

“Happy birthday bro!!” seyvnaman ni Marco Gumabao.

Matagal nang walang napapabalitang karelasyon si Yassi pero may mga kumalat na rin noon na may namamagitan sa kanila ng basketball player ngunit wala namang pagdedenay o pagkukumpirma na nagmula sa aktres.

2019 nang mapabalitang nagkakamabutihan ang aktres at ang leading man nitong si Coco Martin na kasama niya sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

May mga lumabas pa ngang chika na nagkaroon raw ng tensyon ang relasyon ni Coco sa kanyang rumored girlfriend na si Julia Montes dahil na rin kay Yassi.

Tuluyan naman nang nawala ang isyu hanggang sa namatay na rin ang karakter ng aktres bilang Alyana sa teleserye.

Related Chika:
Yassi Pressman rumesbak sa body shamers, umamin sa tunay na timbang: Love yourself!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak

Misis ni JC Santos never nagselos kina Bela Padilla at Yassi Pressman; Rhea Tan may bonggang ‘regalo’ para sa mga daddy at mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending