Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak | Bandera

Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak

Therese Arceo |July 16,2022
facebook
share this

Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak

Therese Arceo - July 16, 2022 - 04:01 PM

Alex Gonzaga nakipagkulitan kay Yassi Pressman, nag-open ukol sa pagkakawala ng anak
GAME na game na nakipagkulitan ang TV host-actress at vlogger na si Alex Gonzaga sa bagong segment ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube channel.

Umpisa pa lang ng vlog ay talagang hahagalpak ka na sa katatawa dahil parehas na mataas ang energy ng dalawa at hindi rin sila nagpapatalo sa batuhan ng punchlines.

Si Alex pala ang nagpursige kay Yassi na magtuloy-tuloy na ito sa pagba-vlog kaya naman sa pagbabalik nito sa YouTube ay ang bunsong Gonzaga ang naging guest nito.

Speaking of YouTube ay napag-usapan nila ang nag-viral na video ni Catherine kung saan ni-launch niya ang kantang “Chambe”.

Dito ay ikinuwento ni Alex kay Yassi kung ano nga ba ang istorya kung paano nabuo ang kanta na inspired sa kanyang pamangkin na si Seve.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

Bukod sa pagkanta ay swabe rin ang naging kwentuhan ng dalawa ukol sa kani-kanilang buhay lalo na ang mga naging experiences bilang vlogger.

Natanong ni Yassi ang kaibigan kung may mga instances nga ba kung sincere ba ang actions nito.

“Oo, dati noong simula parang ‘totoo ba na maingay to? Baka papansin lang to. Para mas mapansin sa ate nya’ pero bata pa lang papansin na ako,” sey ni Alex.

Napag-usapan rin nila ang buhay may asawa at kung kailan nito balak bumuo ng pamilya.

“Kung kailan ibigay ng Panginoon, okay na sa amin,” sabi ni Alex at muling napag-usapan ang kaniyang pagkakaroon ng anak kahit hindi ito natuloy.

“Alam mo sa totoo lang, kapag sinasabi sa akin yun [pagkakaroon ng baby], walang effect sa akin yun kasi parang siguro, the Lord blessed me with acceptance.

“Nung time na ‘yun hindi kasi talaga ako ready so lagi kong sinasabi kay Mikee, 2 years pa, 3 years pa. Gusto ko pang i-enjoy yung married life. Pero nung nangyari yun, feeling ko pinasilip lang ni Lord na huwag mong isipin na you are not ready because you are ready,” pagbabahagi ni Alex.

Dagdag pa niya, parang kinausap raw siya ng Panginoon para sabihing kaya niyang maging ina kahit hindi natuloy ang pagkakaroon ng anak.

“Pag naaalala ko yung nawalan ako ng anak, hindi ko iniisip na nawalan ako ng blessing. The test became a blessing,” sey pa ni Alex.

Related Chika:
Yassi Pressman rumesbak sa body shamers, umamin sa tunay na timbang: Love yourself!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alex Gonzaga tinesting ang ‘faithfulness’ ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending