Alex Gonzaga tinesting ang 'faithfulness' ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae Bandera

Alex Gonzaga tinesting ang ‘faithfulness’ ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae

Therese Arceo |June 26,2022
share this

Alex Gonzaga tinesting ang ‘faithfulness’ ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae

Therese Arceo June 26, 2022 - 04:22 PM

Alex Gonzaga tinesting ang 'faithfulness' ni Mikee, nilandi at hinarot ng ibang babae

HINDI nakaligtas si Mikee Morada sa pagiging prankster ng kanyang asawang si Alex Gonzaga.

Sa kanyang latest vlog ay talaga namang nasubok talaga ang kanyang pagiging loyal at faithful sa asawa.

Kinuntsaba kasi ni Alex ang kanyang co-host sa noontime show na “Lunch Out Loud” na si Laboching para harutin ang asawa at para ma-test kung kakagat ba ito sa panlalandi ng kaibigan.

“Three years in the making ang prank na ito. Pinrank ko si Mikee dahil gusto kong makita kung paano siya kapag wala ako.

“Alam ko na kapag hindi niya kakilala yung babae, itataboy niya. Pero kapag alam niyang kaibigan ko, medyo mahihiya siya bilang si Mikee ay isang mabuting lalaki,” saad ni Alex.

Talaga namang naplano nang maayos ng TV host-actress dahil bago pa ang mismong prank ay in-establish na nila ang pagiging malapit ni Laboching kay Mikee noon pang mag-celebrate ng birthday si Billy Crawford noong nakaraang buwan.

Kaya naman naging madali na rin para sa kanila ang pasimple nitong mga banat at kunyaring “panlalandi” ni Laboching sa asawa ni Alex.

Maya maya ay nagpaalam ang TV host-actress na pupunta siya ng CR para maisagawa nila ang prank na parang hinaharot na ni Laboching si Mikee.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

 

Noong una ay ipinakita ni Mikee ang kanyang throwback photos noong nagba-basketball pa siya at may abs pa.

Doon na nga nagsimula na mas maging malapit at touchy si Laboching sa asawa ni Alex at pasimpleng ipinasok ang ulo nito sa kanyang t-shirt.

Kaya naman noong bumalik na ulit sa kanilang table ang kapatid ni Toni ay umarte na itong nagagalit kay Laboching dahil sa panghaharot nito sa asawa.

May mga punto pa na niyakap-yakap ni Laboching si Mikee sa harap mismo ni Alex kaya umarte ito na naiiyak at kumandong na sa asawa para itaboy ang kaibigang sinusubukang lapitan ang asawa.

“I think you’re pranking me,” saad ni Mikee na pinabulaanan ni Alex at pakunwaring pinapatay ang kamera.

Sa huli ay ibinunyag na niya na prank lang ang lahat dahil tila naiinis na si Mikee sa nangyayari.

“Hindi ko alam kung nahuli ko po si Mikee o hindi pero definitely pag umere to, hindi siya lumandi,” sey ni Alex.

Hirit pa niya, “Ako lang ang nag-a-approve sa mga lalandi sa asawa ko.”

Sa huli ay nanawagan si Alex na sana’y huwag magalit kay Laboching sa ginawa nilang prank.

“Netizens wag niyo awayin si Laboching. Thank you for doing this kahit ayaw mo! Ikaw lang papayagan kong lumandi sa asawa ko,” sey niya.

Related Chika:
Alex hiyang-hiya sa nakakadiring prank kay Isko: Sorry po, Yorme!

Mister ni Alex humingi ng respeto kay Lolit Solis: Wag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon…

Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending