Misis ni JC Santos never nagselos kina Bela Padilla at Yassi Pressman; Rhea Tan may bonggang 'regalo' para sa mga daddy at mommy | Bandera

Misis ni JC Santos never nagselos kina Bela Padilla at Yassi Pressman; Rhea Tan may bonggang ‘regalo’ para sa mga daddy at mommy

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Misis ni JC Santos never nagselos kina Bela Padilla at Yassi Pressman; Rhea Tan may bonggang ‘regalo’ para sa mga daddy at mommy

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 12:04 PM

JC Santos, Shyleena Santos at Rhea Anicoche Tan

MASWERTE ang Kapamilya actor na si JC Santos sa kanyang misis na si Shyleena dahil bukod sa napakabait na nito ay naiintindihan pa ang trabaho niya bilang artista.

Hindi raw selosa si Shyleena at lalong wala itong issue sa pakikipaghalikan at pakikipag-love scene ni JC sa mga ginagawa nitong teleserye at pelikula.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media last Sunday ang mag-asawa sa grand launch ng BeauteHaus ng Beautederm ni  Rhea Anicoche-Tan sa Marriot Hotel sa Pampanga.

Sabay silang ipinakilala bilang bagong ambassadors ng BeauteHaus kasunod ang kanilang contract-signing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


Ipinanganak at lumaki si JC Santos sa Pampanga at nagsimula ang kanyang karera sa teatro bago siya tuluyang sumikat bilang isa sa mga respetadong character actors ng industriya.

Ilan sa kanyang mga notable performances ay napanood sa mga top-rating na serye ng ABS-CBN gaya ng “Till I Met You”, “Ikaw Lang Ang Iibigin,” at “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mayroon din siyang feature appearances sa mga critically-acclaimed films gaya ng “100 Tula Para Kay Stella”, “The Day After Valentines” at “Miracle In Cell No. 7. ”

“We moved back here (Angeles) during the pandemic to give our child bigger space, for really practical reasons,” sey ni JC.

Ang BeautéHaus ay itinatag ni Miss Rei noong 2016 at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga. Libu-libo na ang nagtitiwala rito dahil sa kanilang signature procedures and services tulad ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang iba.

Ayon kay JC, ilan sa procedure na ginawa sa kanya ay ang Lipodissolve at M-Shape na non-invasive body sculpting at slimming treatments para magbabu na sa kanyang “dad bod”. Idagdag pa ang Beautétox para sa kanyang wrinkles at Exilift kung saan tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

“Kahit kaming mga lalake ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura.

“Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl.

“I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance,” sabi pa ni JC.

Natanong naman ang misis ni JC na si Shyleena kung nagseselos ba siya o naiinis kapag may mga kissing scenes si mister sa mga leading lady nito lalo na kay Bela Padilla.

Sagot ni Shyleena, ninang daw si Bela ng anak nila ni JC at may tiwala rin daw siya sa asawa kaya walang lugar ang selosan sa kanilang pagsasama.

“He makes me secured na po so ang tiwala ko sa kanya is 100%. Work lang po talaga siya. Saka friend ko si Bela din.

“Saka ang kagandahan po doon is parang lahat po ng nagiging leading lady po niya (kasama na sina Yassi Pressman), nagiging kaibigan ko rin po so parang it’s a good relationship po. Wala pong selos,” sey pa ni Shyleena.

Samantala, super happy naman si Rhea Tan ngayong bahagi na si JC ng kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Excited na kami ngayong kasama na namin si JC lalo pa’t naghahanda na rin kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito,” pahayag ng matagumpay ng lady entrepreneur.

JC Santos enjoy na enjoy ang pagiging tatay: Nakikita mo ‘yung nagiging personality niya

JC hirap na hirap magpaalam sa pamilya ‘pag magtatrabaho; Carlo sinusulit ang bawat oras sa anak

JC Santos umamin sa ‘biggest challenge’ sa showbiz; wish na magbukas na uli ang mga sinehan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending