Kim Chiu sa pag-level up ng relasyon nila ni Xian Lim: 'Darating tayo diyan, sabi ko nga, time management is the key...' | Bandera

Kim Chiu sa pag-level up ng relasyon nila ni Xian Lim: ‘Darating tayo diyan, sabi ko nga, time management is the key…’

Ervin Santiago - July 17, 2023 - 07:57 AM

Kim Chiu sa pag-level up ng relasyon nila ni Xian Lim: 'Darating tayo diyan, sabi ko nga, time management is the key...'

Xian Lim at Kim Chiu

MUKHANG hindi naman nakararamdam ng pressure ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa tuwing natatanong kung kailan nila balak magpakasal.

Kapag may presscon sina Kim at Xian, hindi talaga maiiwasan na mausisa ang tungkol sa kanilang pagpapakasal at kung kasama na sa plano nila ang bumuo na ng sarili nilang pamilya.

Pero in fairness, marespeto pa ring sinasagot ng celebrity couple ang mga members ng press kapag kinukumusta ang kanilang relasyon at kung plano na ba nilang i-level up ang pagsasama nila as couple.

Sa isang panayam kay Kim, nabanggit niya na puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya dahil sa tuloy-tuloy na blessings na dumarating sa personal niyang buhay pati na sa kanyang showbiz career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Aniya, napakaswerte niya dahil kahit noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay hindi siya pinabayaan ng Kapamilya Network at hanggang ngayong 2023 ay tuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa kanya.

“This year, I can say that this year is a blessed year for me. Ang daming nangyayari in the past two years during the pandemic.

“And ngayon, with mga offer, I’m just thankful that they’re giving their trust sa akin sa mga big projects na mga ganito,” pahayag ni Kim.

Baka Bet Mo: Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

At nang tanungin kung ready na ba siyang bumuo ng sariling pamilya kasama ang boyfriend niyang si Xian, “Darating tayo diyan. Sabi ko nga, time management is the key.

“So, parang let’s do it one day at a time, right time, right place,” aniya pa.

“Parang ako naman, I don’t really think advance nang super kasi parang baka ma-fail ko lang yung expectation ko on what I will be in the next three years.

“Ako, I take it day by day, slowly lang. Kasi sa dami ng nangyayari ngayon, hindi natin alam,” katwiran pa ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Inihalimbawa pa niya ang nangyari sa “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GTV na pag-aari ng GMA Network. Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating nagbabanggaang network ay nagko-collab na ngayon.

“Nasa GTV na nga It’s Showtime, walang nakapagsabi noon three years ago. So, parang ano lang, I’m just enjoying whatever is happening right now. And I’m just very thankful and one day at a time, that’s more important,” aniya pa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw siya makapaniwala sa partnership ng dating rival station, “Yung nangyayari na may mga Kapuso stars sa Showtime stage, it felt really surreal or parang unreal na, ‘Nangyayari ba talaga ito?’ But it is happening.”

Looking forward din siya na makatrabaho ang dyowa niya sa GMA 7, “Nandu’n na si Xian e, siguro magkikita na kami!”

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending