Karla Estrada itinangging hiwalay na ang KathNiel

Karla Estrada itinangging hiwalay na ang KathNiel: Ito po ay walang katotohanan

Therese Arceo |November 25,2023
facebook
share this

Karla Estrada itinangging hiwalay na ang KathNiel: Ito po ay walang katotohanan

Therese Arceo - November 25, 2023 - 02:13 PM

Karla Estrada itinangging hiwalay na ang KathNiel: Ito po ay walang katotohanan

Kathryn Bernardo, Karla Estrada, Carmela Tenorio, Daniel Padilla

PINALAGAN ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kumakalat na balita ukol sa umano’y hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ito ay matapos kumalat ang balita na mismong siya ang nagkumpirma na hiwalay na ang kanyang anak na si Daniel sa dyowa at ka-love team nitong si Kathryn.

Ayon sa showbiz report ng kolumnistang si Cristy Fermin na ipinalabas sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ay naiulat nitong hiwalay na ang dalawa at inamin daw ito mismo ni Karla.

“Okay nandito na tayo ngayon sa pinaka-buod ng kuwentong ito na kami pong tatlo (Romel Chika at Wendell) ay maninindigan na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.

“Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na!” pagbabahagi ni Cristy.

Ngunit nitong Biyernes, ibinahagi ng ina ni Daniel ang isang art card mula sa isang online news platform tungkol sa ibinalita ng kolumnista.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay hindi ko panghihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” saad ni Karla.

Umani naman ng samu’t saring komentong mula sa mga netizens lalo na sa mga fans ng KathNiel ang naturang post ng TV host.

“Fans deserve to know kung hiwalay naba o hindi. Kapag may movies yung Kathniel todo support mga fans. I think deserve nilang malaman ang katotohanan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “mommy Karla sad talaga kami kathniel fans sa mga lumalabas na balita, pero di po ako naniniwala.”

“Sana po magsalita na ang kathniel kung totoo po ba or ndi ang kumakalat na issue, Isa akong fan ng KathNiel kaya sobra akong nalulungkot sa mga isyung lumalabas! Please Laban lang KathNiel marami kaming sumusuporta sainyo,” sey naman ng isa.

Matagal nang kumakalat ang balitang hiwalay na sina Kathryn at Daniel ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag mula sa dalawa kung totoo nga ba o hindi ang chika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami na ring celebrities ang nadadamay sa isyu gaya ni Andrea Brillantes na in-unfolloe naman recently ni Kathryn sa Instagram.

Mananatili namang bukas ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa kasalukuyang isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending