Cristy Fermin sinabing hiwalay na ang KathNiel

Cristy Fermin sinabing hiwalay na ang KathNiel: Galing mismo sa bibig ng ina ni Daniel Padilla

Reggee Bonoan |November 25,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sinabing hiwalay na ang KathNiel: Galing mismo sa bibig ng ina ni Daniel Padilla

Reggee Bonoan - November 25, 2023 - 11:08 AM

Cristy Fermin sinabing hiwalay na ang KathNiel: Galing mismo sa bibig ng ina ni Daniel Padilla

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

KINUMPIRMA ng kolumnistang si Cristy Fermin na hiwalay na ang Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

SA “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kasama si Wendell Alvarez na in-upload kahapon ay kinumpirma na niyang hiwalay na ang KathNiel na galing mismo sa taong pinagkuwentuhan ng ina ng aktor na si Karla Estrada.

Ilang buwan nang naba-blind item ang KathNiel na hiwalay na at nasulat na rin namin dito sa BANDERA na ang isyu naman namin ay dahil may third party at hindi na namin babanggitin kung sino ito.

Anyway, base sa kuwento ni ‘nay Cristy ay nakakuwentuhan niya ang taong pinagsabihan ni Karla na hiwalay na nga sina Daniel at Kathryn at may ilang buwan ng nakalilipas kaya niya ito ibinalita ay para sabihing ‘vindicated’ si Ogie Diaz na sinasabing fake news ang balita niyang nagkalabuan na ang KathNiel bagay na hindi matanggap ng supporters nila kaya bina-bash ang talent manager/aktor at content creator.

Katwiran nga ni nanay Cristy, “Utang na loob nina (Daniel at Kathryn) sa kanilang mga tagahanga ang pagpapaliwanag dahil sila ‘yung baytang ng hagdan na inakyatan nila (KathNiel) sa tagumpay kahit pa sabihing pribado na ito ng kanilang buhay ay mayroon pa rin silang dapat ipaliwanag sa mga taong nagluklok sa kinaroroonan nila ngayon.

“Okay nandito na tayo ngayon sa pinaka-buod ng kuwentong ito na kami pong tatlo (Romel Chika at Wendell) ay maninindigan na hiwalay nap o talaga si Daniel Padilla t si Kathryn Bernardo. Umamin nap o si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na!

“Ang tanong na lang natin ay kailan ito naganap? Hindi po namin iku-quote si Karla Estrada dahil hindi namin siya nakausap ng personal. An gaming pong mga sasabihin ay mga posibilidad na pipiliin na lang po natin kung alin sa mga sasabihin naming dahilan at katwiran kung bakit nagkahiwalay ang mahigit isang dekada ng magka-relasyon na Kathryn at Daniel.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinabulaanan ang kumakalat na chika ukol sa ‘paninigarilyo’ ni Kathryn Bernardo: Never po, never!

Ang isa sa dahilan daw ng (gusot) ay ang tungkol sa bank book ni DJ na ayon kay Wendell ay pinayuhan daw ni Mommy Mhin Bernardo ang anak na si Kathryn na pagsabihan ang boyfriend nito na magtabi-tabi lalo’t nakaranas na sila ng ilang taong walang trabaho nu’ng kasagsagan ng COVID 19 pandemic.

Nabanggit pa ni Wendell na halos si Daniel lang lahat ang bumubuhay dahil lahat ng mga kapatid nito kasama na ang kani-kanilang mga driver at idagdag pa ang mga kaanak daw ni Karla na galing probinsya ay sa bahay din nila ito tumutuloy kapag luluwas ng Maynila.

“Sabi pa raw ni mommy Mhin (kay Kathryn) na kunin ni Daniel ang bank book sa nanay niya,” say ni Wendell.

Say naman ni ‘nay Cristy,“kukunin ang bank book sa nanay? Ako naman bibigyan ko ng katwiran na noong walang-wala ang pamilyang ito ay alam naman natin na solong pinalaki ni Karla ang kanyang mga anak lalo na si Daniel ang kanyang kapatid na inaanak ko si Carlito na anak nila ni Naldy (Padilla).

“Nakita ko at nasubaybayan ko na talagang hirap na hirap sila sa buhay. At ngayong dumating na ‘yung pagkakataong sumikat si Daniel Padilla at nabigyan din si Karla ng pagkakataong mag host ng Magandang Buhay ay kumikita na.

“Ako man din siguro na matagal na panahong hindi nakatulong sa aking pamilya ay sasamantalahin ko na ang pagkakataon para mapasaya ko sila ng maari kong ibigay at walang masama po at hindi po ‘yun krimen.

“Si Daniel naman ay siya naman po ang nagta-trabaho, siya ang nagpapakahirap (at) kung meron mang hilig sa sasakyan ‘yung bata ay ibibigay ‘yun talaga ng magulang, ni Karla kasi nabuhay naman ‘yung bata na wala naman talaga. REgalo sa kanyang sarili (DJ) sa pagta-trabaho.”

Sabi pa na hindi raw dapat isusumbat ang lahat nt ginagastos ni Daniel sa pamilya niya. O baka may ibang dahilan ng hiwalayan, “posible kaya na nagising na lang sila isang araw na hindi na nila mahal ang isa’t isa?” sambit ng SNN host.

“Ay, puwede dahil sa tagal ng panahon, nagsawa na at talagang naburo na sila sa sitwasyon ngayon na hindi na sila naggo-grow. Puwede rin naman na matagal na silang may pinagtatalunan na ngayon lang umabot na to the max o hangganan kaya sila nakapag desisyon ng ganu’n,” opinyon naman ni Romel Chika.

Ayon pa sa source ni ‘nay Cristy ay nagsimula raw magkalabuan ang dalawa nang magbago na ng imahe si Kathryn na unti-unti ng nagpapakita ng skin at nagpapa-sexy na tila nakakawala na sa imaheng nakagisnan.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

Actually, napansin din namin ang malaking pagbabagong ito ni Kathryn dahil tila hindi na ito komunsulta kay Daniel na alam naman ng lahat kung gaano ito ka-konserbatibo, pero sa kabilang banda ay naisip din namin na baka nga parte na rin ito ng pagbabago ng imahe ng aktres para sa mas mature roles.

Sabi nga ni ‘nay Cristy, “buwan na ang bibilangin natin. At hindi nga magsasalita si Daniel dahil napaka-ungentleman na magsabing tapos na ang relasyon. Siguro pupuwedeng sabihin na mas maganda kung sa babae manggaling.”

Hirit naman ni Romel Chika, “o baka naman mayroon silang ini-endorse na bawal silang hiwalay.”

Kung sakaling itutuloy pa ng KathNiel ang relasyon nila ay magiging masaya raw sina ‘nay Cristy, Wendell at Romel Chika.

Samantala, matinding pinabulaanan naman ni Karla ang ibinalitang ito ni ‘nay Cristy. Ni-repost niya ang larawan ni ‘Nay Cristy na kuha sa SNN katabi ng larawan niya at nasa itaas naman ang KathNiel sa kanyang Facebook account kagabi ng 6PM.

Ang caption ng ina ni Daniel, “Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay Hindi ko pang hihimasukan o Pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko.”

Kinuha naman namin ang reaksyon ni nanay Cristy sa post na ito ni Karla.

“Anak, hindi ko na problema ‘yun! Ang pinakamaganda, magharap-harap kaming tatlo ng kaibigan niya na pinagsabihan niya. ‘Yun lang!” sagot ni ‘nay Cristy kay Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Karla tungkol sa hamon ng beteranang manunulat at CFM at SNN host na magharap silang tatlo ng kaibigang sinabihan niyang hiwalay na ang KathNiel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending