Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat | Bandera

Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat

Therese Arceo |November 22,2023
facebook
share this

Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat

Therese Arceo - November 22, 2023 - 07:24 PM

Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

NAGBIGAY ng assurance ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa mga KathNiel fans tungkol sa kinasasangkutang kontrobersya kasama sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes.

Isang screenshot ng mensahe mula sa Kapamilya actor ang ibinahagi ng fan group na @gotkathniel sa kanilang Instagram stories.

Makikita rito ang mga messages ni pinadala umano ni Daniel sa isa sa kanilang official fan groups.

“Relax na kayo aming mga Kathniels.. tama na ang pag aalala, Breathe .. Ako na ang bahala sa lahat [black heart emoji],” saad ni Daniel.

Sagot naman ng GotKathniel, “Sorry kung sinabi pa namin sa ‘yo pero di talaga namin kaya na ganito binabato sa ‘yo. [sad face] Thank you so much!!! This means a lot!”

“Mahal namin kayo sagad,” reply pa ni Daniel.

Ngunit makalipas ng ilang oras ay binura na rin nila ang naturang Instagram story.

Baka Bet Mo: Cathy Garcia-Molina pumalag sa pag-unfollow kay Daniel Padilla

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Depensa ng fan group, ni-request raw kasi ni Daniel na i-take down ang post at kabila naman itong pinagbigyan.

Kaya hindi maiwasan na magduda ng iba kung legit ba ang mga mensaheng ibinahagi nito. May ilan na nagsasabing baka edited lang daw ito.

Ngunit paniniyak ng naturang fan page, hindi sila maglalabas ng fake news o mga maling impormasyon ukol kina Daniel at Kathryn dahil mahal na mahal ang KathNiel.

Bukod pa rito, full support sila dalawa at kaya lang nila ibinahagi ang naturang screenshot ay dahil nais rin nilang bigyan ng assurance ang iba pang KathNiel fans sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya ng kanilang mga iniidolo.

Tsinek rin namin ang kanilang Instagram account at makikitang parehas silang pina-follow nina Kathryn at Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel Padilla sa KathNiel fans: Ako na ang bahala sa lahat

Samantala, wala pa rin namang direktang panayam ang kampo ng KathNiel tungkol sa kinasasangkutan nilang isyu.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw nina Kathryn at Daniel hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending