Cristy Fermin kay Lolit Solis: Hindi ako patalikod kung bumira!

Cristy Fermin sinagot si Lolit Solis: Hindi ako patalikod kung bumira!

Reggee Bonoan |November 24,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sinagot si Lolit Solis: Hindi ako patalikod kung bumira!

Reggee Bonoan - November 24, 2023 - 07:35 PM

Cristy Fermin sinagot si Lolit Solis: Hindi ako patalikod kung bumira!

Cristy Fermin at Lolit Solis

HINDI pinalampas ni Nanay Cristy Fermin ang post ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram kaninang umaga na kinukuwestiyon ng huli ang una kung bakit nito tinitira raw ang mga alaga niyang sina Lorna Tolentino at Paolo Contis.

Ano raw ba ang galit nito sa dalawang artista at kung may nagawa ba sina LT (tawag kay Lorna) at Paolo sa host ng “Cristy Ferminute” na napapakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at napapanood naman sa One Ph YouTube channel tuwing tanghali.

Kaninang tanghali ay tinalakay ni ‘nay Cristy sa programa nila ni Romel Chika na CFM ang post na ito ni manay Lolit.

“Gusto ko po linawin tungkol sa IG post ni manay Lolit Solis. Ang sabi niya kasi mayroon daw ba akong galit sa kanya kaya napagtutuunan ko ng pansin kaya hindi ako makagalit sa kanya ay si Paolo Contis at Lorna Tolentino.

“Unang-una hindi natin nagiging isyu si Lorna Tolentino baka raw may galit ako sa kanya (manay Lolit) parang hampas sa kalabaw sa kabayo ang latay ganu’n.

“Si Paolo Contis daw ang napupuruhan. Unang-una hindi ko naman binabanggit si Paolo sa walang kapaparakang bagay. Ang isyu ay tungkol sa kanyang pagiging iresponsableng ama sa kanyang mga anak, ‘yung anak niya kay Lian Paz (estranged wife) at LJ Reyes (ex-partner).

Baka Bet Mo: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

“Kay Lorna wala tayong binabanggit at kung may galit daw ako sa kanya ay siya (manay Lolit) ang harapin ko at huwag ang kanyang mga alaga.

“Unang-una kung personal akong may galit sa kanya, manay Lolit kilala mo ako hindi ako patalikod kung bumira harapan! At kilala mon a ako! Kilalang – kilala mon a ako dahil ilang panahon na akong kapag may sama ng loob sa ‘yo nagsasalita ako sa harapan mo hindi patalikod.

“Minsan lang ako nagsalita sa pang-iiwan n’yo sa akin ni Mr. Fu kaya nagkaroon ng Showbiz Now Na pagkatapos no’n wala na at kung pumanig kami lalo na ako kay Bea Alonzo sa inyong paglalaban dahil alam ko pong tama si Bea.

“Kung personal ako sa mga alaga mo bakit namin binibigyan ng puwang ng papuri sina Gladys Reyes, si Senator Bong Revilla, Jr, si Christopher de Leon, si Tonton Gutierrez at saka si Glydel Mercado. Ibig sabihin wala kaming galit sa ‘yo para ang aming pitikin ay ang alaga mo.

“Ang maganda mong magagawa ganito, paalalahanan mo mga alaga mon a gumawa ng tama para wala kaming nakikita at naririnig para hindi siya napupunta rin ng mga reporters, di ba?

“At saka stress management manay, naku hindi pupuwedeng ganyan! For life na ‘yung pinagdadaanan mo! Kailangan diyan ‘wag kang nagpapaka-stress hindi ka namin pinag-uusapan kahit kailan, hayan si Romel oh, witness! Kahit off-cam o on-came hindi ka namin pinag-uusapan. Kahit ang mga kaibigan ko sina tita dolor Guevarra, tita Shirley Quan hindi ka namin pinag-uusapan. Kung sumagi ka man sa puso ko, isa lang ang dahilan ipinagdarasal kita totoo ‘yan (sabay taas ng kanang palad). Hindi ako nakapagsisinungaling sa Diyos, ipinagdarasal kita n asana;y uminam ang pakiramdam mo at gumaling ka, ‘yun lang ‘yun!”mahabang pahayag ni ‘nay Cristy.

Sa mga hindi pa nakabasa ng post ni manay Lolit sa kanyang IG ay ito ang nilalaman na isinama ang mga larawan nina Lorna at Paolo.

Ang caption ay, “Pangit iyon nasa isang mundo kayo tapos tago iyon nararamdaman mo, Salve. Mula’t sapul naging ugali ko na i-clear kung anuman iyon feeling ko makabigat sa balikat ko.

“Gusto ko mahaharap ko lahat nang hindi kailangan maging plastic. Either gusto mo ako o ayaw mo, mas mabuti ang ganuon kesa naman plastikan kayo. Kaya gusto ko klaro lahat sa amin ni Cristy Fermin.

“Kung galit siya sa akin, ako na lang tirahin niya huwag mga alaga ko. Gaya nuon panay ang tira niya kay Paolo Contis. Ngayon naman si Lorna Tolentino. Gusto ko klaro, mga alaga ko ba ang galit siya, o sa akin siya galit?

“At bakit ? May nagawa ba mga alaga ko, o ako na mali sa kanya? Sabihin niya para klaro. Para hindi iyon magtatanong ka pa.

“Gorgy sabihin mo Salve ha, para klaro ang lahat, hindi iyon may tanong pa BAKIT? Di bah #classiclolita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga paliwanag ni ‘nay Cristy ay bukas ang BANDERA para naman sa panig ni manay Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending