Cristy Fermin awang-awa kay Ogie Diaz matapos kuyugin ng mga KathNiel fans

Cristy Fermin awang-awa kay Ogie Diaz matapos kuyugin ng mga KathNiel fans

Therese Arceo |November 11,2023
facebook
share this

Cristy Fermin awang-awa kay Ogie Diaz matapos kuyugin ng mga KathNiel fans

Therese Arceo - November 11, 2023 - 03:54 PM

Cristy Fermin awang-awa kay Ogie Diaz matapos kuyugin ng mga KathNiel fans

Cristy Fermin at Ogie Diaz

HINDI maiwasan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang maawa sa talent manager na si Ogie Diaz dahil sa mga pambabatikos na natatanggap nito mula sa mga fans nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes.

Ito ay matapos ibinalita ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog na diumano’y hiwalay na ang KathNiel at patago raw na nagkikita sina Daniel at Andrea.

Kaya hindi maiwasan ni Cristy ang makisimpatya sa kinakaharap ngayon ng kasamahang pinuputakti ng mga netizens.

Trending nga ang talent manager sa X (dating Twitter) at tinawag pa na “fake news peddler” dahil inire-report nito sa madla ang hindi pa kumpirmadong balita.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: ‘Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ni Cristy, marami sa mga fans ngayon ang nagagalit kapag hindi nila gusto ang ibinabalita sa kanilang mga iniidolo samantalagang tikom ang mga ito kapag napatunayang tama ang lahad ng reporter.

“Galit na galit pa kay Ogie Diaz ang mga fans ng KathNiel. Unang-una, ganyan naman lagi. Kawawa naman ang mga reporters ‘no. Kapagka meron kaming sinasabi na ganito at ganyan dahil may sources naman kami, nagagalit sa amin ang mga fans.

“Pero pagkalipas ng ilang buwan o taon pa nga ang inaabot, na totoo naman pala ang sinulat ng reporter o sinabi, hindi naman nila sinasabi na, ‘Oh tama nga kayo. Totoong-totoo pala’, walang ganoon,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Pero kapag nagpalutang ng balita na ayaw nila, galit na galit sila at ang tawag fake news peddler. Huwag naman ‘di ba. Ang makakasagot naman niyan talaga ang KathNiel.”

Samantala, binasag na nga ni Daniel ang espekulasyon na hiwalay na sila ni Kathryn nang ibandera nito ang video ng kasintahan para sa Preview kung saan siya ang cover.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin umalma sa fake news na ipinakalat ng poser tungkol sa MTRCB, sumusumpa na walang personal na galit kay Vice Ganda

X account ng poser ni Cristy Fermin na naglabas ng fake news tungkol kay Vice tsugi na; ‘It’s Your Lucky Day’ ibabalik ng ABS-CBN?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending