Ogie Diaz pinagsabihan ni Rendon Labador: 'Magbago ka na rin'

Ogie Diaz pinagsabihan ni Rendon Labador: ‘Magbago ka na rin’

Therese Arceo |November 10,2023
facebook
share this

Ogie Diaz pinagsabihan ni Rendon Labador: ‘Magbago ka na rin’

Therese Arceo - November 10, 2023 - 03:57 PM

Ogie Diaz pinagsabihan ni Rendon Labador: 'Magbago ka na rin'
HINDI napigilan ng social media personality na si Rendon Labador ang pagsabihan ang talent manager na si Ogie Diaz.

Sa isa sa kanyang mga Instagram stories ay ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang komento sa isang online entertainment page kung saan ibinalita nito ang pagkaka-link ni Andrea Brillantes sa diumano’y hiwalayan nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Ito ay base sa naging report ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog kung saan nasabi rin nito na diumano’y patagong nagkikita sina Daniel at Andrea ayon sa kanyang source.

Sey ni Rendon, sumusobra na raw ang talent manager at dapat magbago na ito.

“Sumosobra na rin talaga si Ogie Diaz. Sana magbago ka na rin para sa Pilipinas,” sey ni Rendon.

Kahapon lang nang bansagan ang talent manager na “fake news peddler” ng mga netizens lalo na ng mga tagasuporta ng tatlong Kapamilya stars dahil sa diumano’y pagpapakalat nito ng maling balita laban sa tatlo.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz binansagang ‘fake news peddler’ ng KathNiel at Andrea supporters, pumalag: So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod pa rito, tila sinisira daw ni Ogie ang magandang samahan ng dalawang Kapamilya actresses dahil sa ibinalita rin nitong ayaw raw makatrabaho ni Kathryn si Andrea at pinagseselosan daw niya ito.

Nauna namang sinabi ng talent manager na hindi pa ito kumpirmado kaya sana ay magsalita ang mga sangkot sa isyu upang linawin ang nasagap nilang chika sa kanilang source.

Kaya naman hindi rin napigialan ni Ogie ang mag-react matapos niyang mag-trending sa X (dating Twitter) dahil na rin sa mga tweets ng mga nanggigigil na supporters nina Kath, DJ, at Blythe.

“May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confirmed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami.

“So pag tama ba kami, sasabitan nyo kami ng medalya?” sey ni Ogie.

Sa hiwalay na tweet ay nagpasalamat pa ito sa mga netizens.

“Salamat sa mga nagpapa-trending. Ang importante, napasaya ko kayo,” ani Ogie.

Nananatili namang walang pahayag sina Kathryn, Daniel, at Andrea ukol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending