Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: 'Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya' | Bandera

Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

Ervin Santiago |October 02,2023
facebook
share this

Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

Ervin Santiago - October 02, 2023 - 06:45 AM

Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: 'Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya'

Rendon Labador at Cristy Fermin

MULING binoldyak ng veteran showbiz columnist at TV-radio host na si Cristy Fermin ang social media influencer na si Rendon Labador.

Barag na barag si Rendon sa mga naging pahayag ni Nanay Cristy matapos nga nitong ipagyabang ang paghingi raw sa kanya ng tulong ng fans ni Vice Ganda na banatan din niya si Joey de Leon.

Ito’y may konek nga sa kontrobersyal na “lubid” joke ng veteran TV host-comedian sa “Gimme 5” segment ng noontime show nila sa TV5 na “E.A.T”.

Napag-usapan sa programang “Showbiz Now Na” last Friday, September 29, nina Nanay Cristy, Wendell Alvarez at Romel Chika, ang reklamo ng mga manonood at netizens sa “lubid” joke ni Joey na anila’y insensitive dahil ikikonek nga nila ito sa isyu ng suicide.

Nag-post nga kasi si Rendon sa kanyang Instagram story ng mga screenshot ng comments ng ilang netizens na sinasabing mga fans daw ni Vice at hinihikayat siya na banatan at kastiguhin si Joey tulad ng ginawa niyang paninita sa “icing” controversy na kinasangkutan nina Vice at Ion.

Sabi ni Rendon, sa kanya rin pala lalapit ang netizens para itama ang mga maling ginagawa ng mga celebrities matapos siyang i-mass report dahil sa ginawa niyang pagkontra sa ginawang kahalayan umano nina Vice at Ion.

Ayon kay Wendell, aprub siya sa sinabi ng Rendon pero agad siyang pinutol ni Nanay Cristy. Nagpapapansin lang daw si Rendon para tuloy-tuloy siyang mapag-usapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“‘Wag na natin siyang bigyan ng panahon. Sayang ang ating oras, Wendell Alvarez, di ba?” ang punto ng online host at content creator.

“Unang-una walang naghahanap sa kanya. Maraming maligaya na nawala siya.

Baka Bet Mo: Rendon binanatan uli si Vice, kailangan daw mag-sorry sa kanya: ‘Baka mawalan ka ng show, kawawa naman yung partner mo na umaasa lang sa ‘yo’

“Hindi siya hihingan ng opinyon kung ang ibibigay lang naman niya ay kontra sa buong mundo. Hindi ka hahanapin. ‘Yun lang ‘yon,” ang matapang na sabi pa ni Cristy.

Nauna rito, humingi na ng apology si Rendon sa ilang celebrities na tinira-tira niya dahil sa iba’t ibang isyu kabilang na sina Coco Martin, Michael V at Vice Ganda.

“Hindi ko nga rin alam, e. Minsan hindi ko na rin alam kung ako na ‘yung mali. p
Pero kasi alam ko kasing malinis ‘yung intensyon ko kaya hindi rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, maintindihan rin nila ako,” ani Rendon sa panayam ni Ogie Diaz.

Aniya, kahit paano naman daw ay may mga taong sumusuporta at nagpapadala ng mensahe sa kanya na talagang naa-appreciate niya lalo na ang mga negatibong komento.

“Mas gusto ko ‘yung negative e. Kasi minsan ‘yung mga taong galit sa ‘yo, sila ‘yung talagang nagsasabi ng totoo,” sabi pa ni Rendon.

Kasunod nga nito ay humingi ng sorry ang kontrobersyal na motivational speaker sa mga taong binatikos at pinuna niya sa social media at sinabing wal naman daw siyang masamang intensyon sa mga ito.

“I’m apologizing. I’m trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Iyon din naman yung regret ko talaga. I’m trying to be better.

“So kung nasaktan ko man kayo, kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V. I’m apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit.

“I’m thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas,” paliwanag ni Rendon.

Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending